Entry 29

40 3 2
                                    

January 8, 2016 

Dee.

Ang daming nangyari ngayong araw na 'to.

Last week, niyaya ako ni Mix na pumuntang Baguio. Di sana ako papayag kaso pinagpaalam niya na daw ako sa papa ko. At pinayagan naman ni papa since ang pogi daw ni Mix. Ewan ko ba kay papa -.-

So ayun, kahapon kami nakarating dito. Kaya pala ako niyaya ni Mix kasi birthday ni Leon. Di ko alam. Hehe. Kanina nagsimula yung party. Birthday niya pero di siya mukhang masaya. Hinahanap ko yung babaeng kasama niya nung nakita ko siya sa mall. Tinanong ko si Mix, sabi niya di daw makakapunta. Baka dahil dun. Pero di ko na problema yun.

Nagpasama ako kay Leia para bumili ng regalo para kay leon, sa isang maliit na gift shop kami pumunta. Yun yung malapit e. Pagkabili namin, di ko inaasahang makikita ko si Josh.

Oo, Dee. Si Josh. May kasama siyang babae na mukhang model. Nagtataka nga ako e, bakit di nalang siya maghubad?

Naiinis nanaman ako Dee! Nakita namin ni Leia yun. Pinigilan ko sarili ko na wag magselos kasi baka parang ka-office mate niya yun. Pero lalo akong nagselos nung kiniss ng babae si Josh sa lips. Gusto ko silang lapitan, gusto ko silang pag-untungin at ibabad sa inidoro pero di ko magawa. Para akong na-glue sa pwesto ko.

Hindi siya nagparamdam ng ilang weeks tapos makikita ko siya dito? With someone else?

Umalis na sila at inalalayan lang ako ni Leia hanggang sa makarating kami sa rest house nila Mix. Naramdaman niya kasi na parang bibigay tuhod ko any minute.

Bakit ganun Dee? Ayokong mag-overthink. Pero eto ako. Iniisip na baka pinaglaruan lang talaga ako ni Josh. Katulad ng pangtitrip niya sakin dati.

Ewan. Ge bye.

Ang may-ari ng notebook,

Sav

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon