Entry 7

131 3 0
                                    

November 5, 2015 - 10:18 pm

Dee!

May good news at bad news ako sayo! Hihi. Si Mr. Blue-eyed guy, pumasok sa booth namin! Pero ang nakapag-bv kasi sakin, nakita niya ako at napansin as a white lady. Ang saklap diba?

Eh kasi naman, biglang nagkasakit yung inassign na magiging white lady! Edi ako nalang yung pinalit since wala na naman akong ginagawa! Huhu. Pero atleast nakita ko na ulit si crush ng malapitan! At hindi lang yun! Alam ko na pangalan niya! Siya pala si Gian! Pano ko nalaman? Tinawag kasi siya nung barkada niya na kasama niya sa horror booth namin.

Iniintay ko kaya yung pagtili o pagsigaw niya pero wala. Ibig sabihin nun, lalaki talaga siya! Cool na cool lang kaya siya habang naglalakad. Kahit nung may humawak sa paa niya! Di naman sa no reaction pero ngumingis siya at nanlalaki ang mata. Ang cute ng eyes niya talaga!

Shetmen, kinikilig pa din ako! Nahawakan ko siya Dee! Nahawakan ko! Hihihihi. Lol. Hawak pa lang kinikilig na ako, pano pa kaya pag kinausap niya ko? Hahaha.

Nako, Dee! Sige na! Pagod ako kanina eh. Haha. Babuu~

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

P.S. Pumasok din sa booth namin yung lalaking may brownish red na buhok. Ewan ko kung bakit pa siya pumasok. Sinayang niya yun 10 pesos niya. Poker face masyado! Parang naglalakad lang sa mall! Hmf.

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon