November 6, 2015 - 9:45 pm
Dee!
Huhu. Absent si Gian. Huhuhu. :( Ang nagpakita lang ngayong araw, yung lalaking may brownish red na buhok. Narinig ko yung pangalan niya kasi tinawag siya ng paulit ulit ng isang babae na mukhang may crush sakanya. Leonel ang pagkakarinig ko. Tatawagin ko nalang siyang Leon since yung mukha niya, masyadong fierce.
Di na nga ako lumabas ng classroom kanina dahil absent daw si Gian. Pero lagi kong nakikita at nakakasalubong si Leon! Ang weird ng araw ko ngayon. Tapos lalo naging weird nung tinawag ako ni Joshua. Si Joshua nga pala yung kapitbahay namin na medyo malayo samin. Close kami dahil lagi niya akong inaasar. Palibhasa kapre siya!
Tapos ayun na nga! Tinawag niya ko at may sasabihin ata siya pero umiling nalang at umalis. Himala diba? Di niya ako inasar! Siguro BV. Pero... ewan! Ang weird! Sabi sayo Dee eh!
BV at weird na weird ang utak ko ngayon kaya babay na!
Ang may-ari ng notebook,
Savvy
BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~