Entry 23

73 2 1
                                    

December 11, 2015 - 12:16 am

Dee.

Hinawaan ata ako ni Leon. Pero hindi ako nilalagnat, sinisipon ako. Walang tigil na sipon. Bwisit. Ikkwento ko pa ba sayo ang nangyari kanina? Wag nalang, nakakatamad magsulat lalo na't sinisipon ako. Huhu.

Okay eto na. Kinilig ako dahil hinatid sundo ako ni Josh. Na-late pa nga dahil sa paghatid sakin sa school. Enebe, kinikilig ako! Haha. Pero nung pagdating ko ng school, may humarang saking mukhang anime dahil sa buhok niyang kulay orange. Muntik ko na siyang mapagkamalang si Naruto.

Bigla niya akong tinawag kaya lalo akong nagulat. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako? Creepy stalker! Pero imbes na matakot ako sakanya ay nagtaka lang ako. Nagpakilala siya bilang si Mix, ang pinsan ni Leon. (Nahiya ako sa height niya.)

Magkaibang magkaiba sila ng ugali. Madaldal si Mix habang si Leon, parang once in a blue moon lang magsalita. Feeling close din siya na para bang matagal na niya akong kilala. Nakakapagtaka nga dahil tinanong niya ako ng, 'Hindi mo ba ako naaalala?'

Pabulong na tanong yun pero narinig ko pa din. Ngayon ko nga lang siya nakita sa buong buhay ko! Pero malay mo, hindi pa color orange ang buhok niya noon. Pero hindi talaga pamilyar ang mukha niya.

Osya, yun nalang ikekwento ko ngayon. Sinisipon ako. Bye.

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

P.S. Nahihiwagaan talaga ako kay Mix. Hindi dahil sa buhok niya, kundi sa kung paano niya ako itrato. Parang pamilyar siya na hindi ko lang talaga maalala. Ewan ko. Bye na talaga.

P.P.S. Nag-text si Josh ngayon ngayon lang. Hihi. Kinakamusta lang ako, yun lang. Hoho. Bye na~

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon