Entry 4

180 4 2
                                    

November 2, 2015 ─ 9:16 pm

Dee!

Namiss kita! Echos lang yun. Haha. Galing kami sa Batangas. Ang saya grabe. Namiss ko yung mga pinsan ko dun. Kaya kami nandun kasi, titignan namin kung ayos na yung pinagawa naming bahay bakasyunan last 2 years. 

Napanganga ako sa sobrang laki! Nung pumasok nga kami, feeling ko, mukha akong dwende. Ang laki kasi grabe. Akala ko, simpleng bahay bakasyunan lang pero ang laki talaga. (Di ako makaget-over sa laki. HAHA.) Pero syempre mas malaki yung bahay namin. (Hindi sa pagmamayabang ah!)

Gusto ko nga sana magswimming kaso sabi nila mama, uuwi na daw. Agad agad? Haha. Pero kasi gusto ko mag-stay ng unti pa dun. Kaso bigla ba naman ako tinakot ng papa ko. Pag nag-stay ako dun ng unti pa, dun na talaga ako. Eh! Paano na yung tropa ko dito? Diba? KAya ayun, napapayag akong umuwi agad.

Eto pa! Dumaan kami sa Goldilocks para bumili ng brownies, kasi nag-ccrave daw si Mama nun. Sakto, ako din! Pagpasok namin dun, nakakita ako ng isa nanamang pamilyar na mukha. At di ako nagkamali, Dee! Parang pinagtatagpo kami ng tadhana!

*Insert Got to Believe in Magic song here*

Siya yung lalaking mukhang may lahi. Naka-shorts lang siya at naka t-shirt na black. Plain black. May lamay lang 'teh? Hahajoke. Sorry sa kacornyhan ko. Last na 'yan. 

Kung di pa ako kinalabit ng kinalabit ni Mama, siguro iniwan na nila ako. Ang sarap kasi titigan ni Kuya! Hahehihohu.

Ayun lang sa ngayon. Bukas na ulit. Ang sakit na ng kamay ko. Hihi. Babush!

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon