Entry 12

109 2 0
                                    

November 13, 2015 - 10:46 pm

Dee...

Bad news? Aalis na daw bukas sila Gian papuntang states. Pero ewan ko lang kung dun na sila titira. Ano ba yan Dee. Kung kelan feel ko na na magiging close na kami ni Gian, saka pa sila aalis. Haaaay.

Wala akong ginawa sa araw na 'to kundi nag-emo. Buong class, nakatulala lang ako. Nung breaktime, di ako kumain. Nung uwian, umiyak ako ng umiyak sa school garden. Ayoko pa umuwi dito a bahay agad kanina kasi andito nga si papa at pag nakita niya akong umiiyak, mago-OA nanaman yun.

Pero alam mo ba Dee, nung nag-eemo ako dun sa garden, may lumapit saking lalaki. Pagkatingala ko, si Leon pala. Halata sa mukha niya yung awa. May inabot siya saking tissue tapos pagkatapos nun, nagspeech sya ng maikli.

Sabi niya, hindi sinasayang ang luha sa walang kwentang bagay. Hala? Di naman walang kwenta si Gian diba? Pero naisip ko din na, hindi ko pa naman talaga love si Gian so madali akong makakapag-move on. Kaya may point siya.

Pagkaspeech niya nun, umalis na siya with his hands in his pocket. Ang astig niya. Pero nawiweirduhan pa din ako ng unti. Ang mysterious niya kasi eh! Nung inabot yun tissue, ang amo nung mukha. Pagka-speech, ang cold ulit nung aura. Anyaree? Abnormal? Ang daming problema sa buhay si kuya?

Hahaha. Bye na nga Dee. Kahit sa pagsusulat sa diary na 'to, ang daldal ko. Hahahaha. Bye!

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

P.S. Bukas na daw papasok si Leia! Yipee! :D

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon