November 11, 2015 - 10:39 pm
Hello Dee!
Kakauwi ko lang galing mall. Actually di pa ko nagbibihis. Gusto ko kasi ikwento sayo yung nangyari kanina. Grabe Dee! Kilig to the bones!
Nakita ko si Gian at nginitian niya ako! Pero ang masaklap lang eh baka akala niya, masungit ako kasi nakatitig lang ako sakanya at hindi ngumiti pabalik. Nagulat lang naman ako Dee eh! First time yun!
Tapos tatlong beses ko siyang nakita. Ewan ko lang kung nakita niya ako kasi minsan nakatalikod siya o di kaya, naka-side view. Pero ayos na din yun! Hihi.
Tumawag yung daddy ni Leia sa papa ko. Kaya pala isang linggong di pumasok si Leia kasi nagkatrangkaso. Grabe namimiss ko na yung babaitang yun! Huhu.
Meron pa pala akong kwento Dee! Nakita ko si Leon sa harap ng timezone. Parang nag-aalinlangan nga siya na pumasok dun eh. Naglaro kasi kami ni papa dun. May pagkaisip bata din kasi si papa minsan kaya tropa ko din kadalasan! Haha.
Sunod na ginawa namin ni papa, nanood kami ng sine. Tapos kumain saka kami nag-shopping ng kung ano anong magustuhan ko. Uy, di ako spoiled ah! As I said kahapon, isang buwan akong di nakapag-shopping kaya tinodo ko na 'to kasi next next month eh aalis na si papa.
Tapos Dee, nakita ko ulit si Leon sa may parking lot. Pauwi na kami ni papa nun eh. Kaso bumili pa siya nung shaver niya kaya nagpaiwan ako sa kotse. Nakita ko si Leon sa labas, naninigarilyo.
Major turn-off! Haha. Ano siya gangster? O feeling lang? Hahajuklang. Pero sayang itsura niya, ang gwapo pa naman. Pero di bale, baka may pinagdadaanan lang talaga siya.
Sige na Dee, magbibihis pa ko! Babushskiii~
Ang may-ari ng notebook,
Savvy
P.S. Ewan ko Dee, ang bilis ng tibok ng puso ko nung nakita ko si Leon na naninigarilyo. Don't tell me, gusto ko na siya? Haay.

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Fiksi Remaja2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~