December 7, 2015 - 10:16 pm
Dee!
Ohemgee! Nakita kami ni mama at papa na magkatabi sa kama! Hindi ko naman alam na napahiga na pala ako sa kama ko at nakalimutang nasa kwarto ko pa pala si Leon.
Pero ayos lang naman dahil naexplain ko na sakanila kung bakit at paano siya napunta sa kwarto ko. Ang OA lang talaga ng tatay ko dahil nung nakita kami na magkatabi ay sumigaw sigaw agad siya ng: "Yay! Magkakaapo na tayo!" =____=
Dinala na namin siya sa bahay nya at infairness, ang laki ng bahay niya! Kasing laki ko. Joke. Hahaha.
At eto pa Dee! Nalaman ni Josh yung nangyari dahil nakwento sakanya ng madaldal kong nanay. And guess what? Nagselos! Pero teka, kami ba?
Ewan ko Dee. Naguguluhan ako. Tulungan mo naman ako oh? Nakakadistract naman 'to sa pag-aaral! Bye na nga!
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teenfikce2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~