Entry 1

257 6 1
                                    

October 30, 2015 ─ 8:15 pm

Dear Diary,

Dapat ba kita bigyan ng pangalan katulad ng ginagawa ng iba? Ano ba gusto mong pangalan? Haha. Mukha akong tanga. Mamaya, iisipan kita ng pangalan. :)

So ayun nga, nung umaga, pumasok ako sa school. Nagsimula ang isang boring na subject. Pero nung recess, may nakabangga akong matangkad na lalaki (Na halos araw-araw naman yun nangyayari dahil nga maliit─este, matangkad ako.) Pero iba siya! Ang puti niya tapos ang cute nung buhok niya. Pang-korean! Mukha siyang may lahi dahil sa mata niyang blue.

May dala pa naman akong juice nun, so natapon yung unti. Nag-sorry siya tapos biglang lumakad palayo. Imbes na mainis ako dahil simpleng sorry lang sinabi niya sakin, natulala nalang ako sa gwapo ng boses niya. Ano na kayang year yun? 

Crush ko na agad siya! Hihi. Crush lang naman! Malamang sa alamang, madami na din nagkakagusto dun. Pero bakit ngayon ko lang nakita yun? Sabagay, libo din naman kasi yung estudyante sa school namin.

Nako, diary. Sana makita ko ulit siya! Lagi na akong lalabas ng classroom! Hihi. (Di kasi ako lumalabas ng room. Minsan minsan lang.)

Manonood pa ko, diary! Babye na! :*

Ang may-ari nitong diary na 'to,

Savvy

P.S. Wala kaming pasok hanggang Tuesday! Yehey! :D

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon