November 29, 2015 - 8:47 pm
Hello Dee! :D
Ang daming nagyari sa araw na 'to grabe. Una, akala ko may stalker si Leia. Pangalawa, akala ko, ako naman yung may stalker. Pangatlo, joke lang yun. Hehe.
Nung umaga, hinanap ko yung Leon na yun. Ibibigay ko kasi sana yung jacket niya. Pero hindi ko makita. Nung lunch break, nakita ko na siya kaya agad ko siyang nilapitan. Inabot ko sakanya yung jacket na pinahiram niya sakin pero tinitigan niya lang ako. For how many seconds, nagsalita siya.
Ang sabi niya, "Hindi ko na kailangan yan. Mas kailangan mo yan." Pagkatapos nun ay tinalikuran niya na ko. He left me again dumbfounded. Ewan ko ba sa lalaking yun at ang wi-weird ng mga sinasabi! Mas kailangan ko daw yung jacket niya? Para saan naman?
Sabi sainyo, isang puzzle yung Leon na yun eh. I don't really get that guy.
Nung hapon naman, nakita ko siyang sinisipa yung puno sa may labas ng gate namin. Pinauna ko na si Leia dahil nagpa-sign pa ko sa project ko. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya tumigil siya at nagmadaling umalis kasama ang cool niyang motor.
Only one word to say, WEIRD. Sige na Dee, magtootoothbrush pa pala ako.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~