Entry 6

146 3 0
                                    

November 4, 2015 - 9:34 pm

Dee!

Alam mo ba, alam mo ba?! Haha. Sorry na! Kinikilig lang. Eh kasi nakita ko si Mr. Blue-eyed Guy kanina! I even caught him staring at me! Omg! Baka may lihim na pagtingin na siya sakin? :O

Pero echos lang. Mehehehe. Kanina, nag-aayos kami para dun sa booth namin para sa fair. Ang daming newspaper at styro. Buti nalang at sinipag ako kanina kaya madami dami din naitulong ko! Hihi. Plus points din yun. :>

Tapos Dee, nung pauwi na ako, may nakabangga ulit ako. Huhu. Eto yung disadvantage ng-ehem- maliit -ehem- eh. Di ka nila nakikita. =( How sad. So ayun na nga, may nakabangga ulit akong matangkad. Ang hot niya din tignan dahil dun sa brownish red na buhok niya. Pero normal lang yung kulay ng mata, black. Pero mararamdaman ymo yung cold aura niya dahil poker face lang siya at parang may problema sa buhay.

Parang parehas ko na silang crush! Hihihi. Anlande teh?! Haha. Crush lang naman Dee! :( Pero kidding aside, mas gusto ko si Mr. Blue-eyed guy kesa dun. Kasi parang ang sungit nung nabangga ko kanina. Pero si Mr. Blue-eyed guy, minsan nakikita kong ngumiti eh.

Ay ewan. Sige na, Dee! Manonood ako ng G2B! Hehe. Bye!~

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

P.S. Ang mysterious ni Mr. Brownish red-haired guy. +__+

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon