Entry 25

49 2 1
                                    

December 19, 2015 - 11:11 pm

Dee~

Oo, 11:11. Pero hindi ako naniniwala diyan kaya hindi na ako humihiling.  anyway, namiss kita alam mo ba yun? Hahaha. Madaming nangyari.

Sobrang dami.

Sinagot ko na si Josh, kahapon lang. Bakit napaaga? Eh kasi nabunggo. Sobrang kaba at takot ko nun kaya napasagot ako ng hindi inaasahan. Pero... ang relasyon naman ang pinapatagal, diba?

Bestfriend ko na si Mix. Hindi ko alam kung bakit pero kasi, madalas ko na siya nakakasama at ewan ko ba. Ang dami niyang alam tungkol sakin. Stalker ko siguro. Dejoke.

Si Leon, mas nawiweirduhan ako. Nginitian niya ako Dee! For the first time in forever~ Nung isang araw tapos nung napansin niyang nagulat ako, bigla siyang umiwas ng tingin at simula nun, ang sungit sungit na niya. Well, matagal na naman siyang masungit.

Pero kasi simula nung dinalaw niya ako, parang medyo umiiwas siya sakin. 

O baka guni-guni ko lang nanaman yun. -___-

Ayun lang naman ang nangyari. Kinikilig pa din ako dahil kami na ni Josh. Ahihihi. December 19 na. 6 days pa bago magpasko. By the way, Christmas Vacation ngayon.

Bye na nga at baka mapunit pa kita sa sobrang kilig. 

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon