Entry 5

148 3 0
                                    

November 3, 2015 ─ 8:45 pm

Hi Dee!

May pasok na kami kanina! Pero buti nalang at pinag-check lang kami ng testpapers ng gradeshool. Ayoko kasi mag-lecture! Ang boring at nakakaantok.

Hinanap ko si Mr. Blue-eyed Guy. Yun na tawag ko dun sa lalaking nakikita ko madalas. Eh sa hindi ko naman alam pangalan niya eh. So anyway. hinanap ko nga siya. Pero no luck. Di ko siya nakita. Siguro absent okaya tinamad na lumabas ng room.

Bumalik nalang ako sa room namin at sinubsob ang ulo sa upuan hanggang sa matapos yung break namin. Kaya ayun, medyo nakaka-BV dahil walang silay sakanya. Pero di bale. May bukas pa naman!

Oo nga pala. The day after tomorrow, may fair. Ewan ko ba sa school namin. Biglaan lagi. Pero ayos na din kasi iyun naman talaga iniintay namin! Haha! Ang booth na itatayo namin? Horror booth! Di porket-ehem- maliit -ehem- ako, eh matatakutin na ako! Matibay ata 'tong cute na Savvy! Hehehe. Kayo talaga, di mabiro. Mehehe.

Sige Dee, tutulog na ko ng maaga! Babayyy!~

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon