November 28, 2015 - 9:31 pm
Dee!
Buti nalang at nakita kita! You lost for almost... I don't know days. Akala ko nga di na kita makikita. Tsaka siguro nawala kita dahil sa sobrang pagka-busy ko. Very sorry Dee.
Baka maubos yung tinta nung ballpen ko pag kwinento ko sayo yung nangyari sa buhay ko nung hindi pa kita nakikita. I read the previous entry na sinulat ko. Let's start there. Kinabukasan nun, nothing really happened. 1 week na hindi ko nakita si Leon. Akala ko totoo yung rumors na kumalat sa school last week.
Nasuntok daw niya yung isang teacher niya kaya siya na-expelled. Pero hindi naman pala totoo yun. Ewan ko ba, Dee. Kinabahan ako nung nalaman ko yun. I don't know Dee. I don't know what I'm feeling.
I never heard of Gian after ng pag-alis niya. And I kinda miss him. Eh syempre, may crush kaya ako dun, diba?
Yesterday, wala naman nangyaring kakaiba or exciting. Just a normal day. Pero kanina, Dee. I didn't expect na mangyayari yun.
I was in our library. Hindi ko na namalayan yung oras dahil dun sa binabasa kong libro kaya nagmadali na kong lumabas ng school pero naabutan ako ng ulan. Wala akong payong na dala pa naman. And just like other cliche stories and movies, may isang lalaking dumating sa harap ko.
At dahil nga sa ehem-maliit-ehem ako, tiningala ko siya. I was schocked to see Leonel in front of me at nakatingin sakin ng blanko. Naramdaman ko din yung cold aura niya. At mas nagulat ako nang itinapon niya sakin yung leather jacket niya. At first, nagtataka ako kung bakit.
Gusto ko nga siyang sigawan ng 'ang bastos mo alam mo yun!?' pero half of me said na wag siyang sigawan kasi nakakatakot siya. That's why I asked him. Lalo akong nagulat nung nagsalita siya. He told me, "Wala akong payong kaya yan nalang. Umuwi ka na, gumagabi na." And he left me there, dumbfounded. Nakaktakot siya pero parang mararamdaman mo yung soft side niya.
That Leon is like a puzzle I want to solve. He's very mysterious, Dee. At nababaliw na ako! Haay. Sige na Dee. Maghihilamos na ko. Babay! Muaaa~
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Roman pour Adolescents2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~