December 5, 2015 - 10:30 pm
Dee!
Sorry ulit kung hindi kita nasulatan nung isang araw atsaka kahapon ha? Naging busy lang.
Wala naman masyadong significant na nangyari. Kahapon nung uwian, nagkagulo sa labas ng school dahil may nag-aaway daw. Since wala naman akong interes dun, umalis nalang ako pero naudlot yung pag-alis ko nang marinig ko ang pangalan ko.
Si Joshua at si Leon pala yung nagsusuntukan. Hindi ko alam kung pano sila nagkakilala at kung bakit sila nagsusuntukan. Nakipagtitigan lang sila sakin tapos umalis nalang ako dahil ewan ko. Ayoko lang sila makita.
Kanina naman, pumunta sa bahay si Josh at sinabi kina Papa na nililigawan niya na ko. Tuwang tuwa sila Papa dahil matagal na pala silang boto kay Josh.
Pero hindi ko pa din alam, Dee. I'm still figuring out kung ano nararamdaman ko kay Josh. May uneasy na feeling pero.. ah basta! Iba!
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~