November 12, 2015 - 8:41 pm
Dee!
Umaygash, umaygash! Dee, you can't believe what happened earlier. Ang saya saya ko grabe! (Kahit di pa din pumapasok si Leia.)
Una kasi nangyari, muntik na ako mabangga ni Leon dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya ng motor. Buti nalang at nahigit ako ni Gian─oo, si Gian. Kung hindi, nasagasaan na ako nung gangster na Leo na yun! Pero nawala inis ko dahil halos nakayakap sakin si Gian kaya nakaramdam nanaman ako ng kung ano sa tiyan ko. Uber na ituuu! :">
Inoffer din niya na ihatid ako so dahil gusto ko din naman, pumayag na ko. At nung nagsalita siya, slang! Tama ako, may lahi siya Dee!
Tapos nung malapit na kami sa bahay, sakto, dumating si papa kaya ayun. Natiyempuhan ni papa na magkasama kami ni Gian. Pinapasok at pinameryenda muna siya. And guess what. Akala ni papa, boyfriend ko siya! (Sana. Haha.) Naginit pisngi ko dahil dun. Ewan ko ba, nahiya ako bigla kay Gian. Pero para sa kanya, parang wala lang yun. Haay. Di niya siguro ako magugustuhan Dee. Ang liit ko kasi. Huhuhuhu.
Pagkaalis naman ni Gian, sabi sakin ni papa at ni mama, gusto daw nila si Gian para sakin. Bagay daw kami, ganito ganyan. Tas parang ang gaan daw ng loob ni papa dun. For short, boto sila kay Gian! Edi di na ako magkakaproblema pag niligawan ako ni Gian. Haha! Joke.
Pero, kami? Bagay? Eh pag katabi ko yun, nagmumukha akong kapatid niya! Bakit kasi ang liit ko. Matangkad naman si papa─Ay! Edi kay mama ako nagmana ng height? Ahuhuhuhu!
Ok na din 'to. Cute naman eh. Hahajoke! Bye na Dee! Di pa ko kumakain ng dinner sa sobrang kilig. Hahaha. Babye.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~