December 1 - 10:12 pm
Dee!
I miss you! Haha chos. Sorry ulit kung di ako nakapagsulat kahapon. Pagkauwi ko kasi pumunta ako agad kina Leia dahil nahimatay daw. Syempre, bilang bestfriends, kailangan niya ako for sure. Mehehe.
Yun lang naman yung nangyari kahapon at no sight of Leon ulit. At nagtataka nga ako kung bakit hindi ko na din nakikita si Josh pagkatapos nung weird na pag-iling at pag-alis niya na hindi man lang ako inaasar.
Pero nakita ko na naman siya kanina. He's different sa nakilala kong Joshua na laging nang-aasar. Ngumiti siya sakin pero umiwas din ng tingin. Di ko alam kung anong nangyayari sakanya at nacucurious ako! Well, lagi naman.
Okay, that's all for now. See ya.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Novela Juvenil2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~