December 6, 2015 - 12:23 pm
Dee!
Hindi ko alam kung magandang balita 'to.
Kanina kasi, malakas yung ulan. Nakita ko sa may gate si Leon at parang nagdadalawang isip kung lulusob siya sa ulan. SInce dala ko yung leather jacket niya─dala ko yun lagi dahil gusto kong ibigay na sakanya. So ayun na nga, since dala ko naman yun at may dala na akong payong, inabot ko sakanya yung leather jacket niya.
Tinitigan niya lang ako pero bigla nalang siya lumusob sa ulan na walang payong o jacket. Nawiweirduhan na talaga ako saknay dahil parang tuwing lalapit ako, lagi siyang umiiwas.
Kinuha ko yung payong sa bag ko at maglalakad na sana nang mapansin kong nadapa si Leon. Hinintay ko siyang tumayo pero ilang minuto na yung nakalipas, hindi pa din siya tumatayo kaya nilapitan ko na siya.
Ang init niya, sobra! Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira kaya tumawag ako ng taxi at dinala nalang siya dito sa bahay. Buti nalang at wala sila Mama at Papa dito kanina.
Kaya eto ako ngayon, gising pa dahil hindi ako makatulog since nasa kama ko si Leon. Hindi ako makapaniwalang nagdala ako ng lalake sa kwarto ko! at si Leon pa yun.
Bye na nga at baka makita pa ko ni Leon.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~