Entry 9

118 3 0
                                    

November 10, 2015 - 11:16 pm

Dee!

Sorry, sorry sorry! Hindi ko na nasulatan 'to kasi may project akong ginawa. Sorry talaga! Hehe. Sa apat na araw ako na di nakapagsulat, andaming nangyari. 

Una sa lahat, kinausap ako ni Gian! Sino bang hindi makakaramdam ng ipis-este paru-paro sa tiyan pag kinausap ka ng iyong crush?! Kinausap niya ko kasi pinapatawag pala ako ng teacher namin. Pero kinikilig pa din ako tuwing naiisip ko yung moment na yun.

Di ko na din nakikita si Leon. 2 days, no sight of him. Weird diba. Ay ewan.

Tapos Dee! Kakauwi lang ng Papa ko kahapon galing Singapore! As usual ang daming chocolates! Meron din siyang mga damit na pinasalubong para samin ni Mama. Tapos bukas, inaaya niya ako mag-shopping. Eeeep! 1 month na din kasi ako di nakakapagmall kaya nag-go ako! Tuwang tuwa naman si Papa. 

Sige na Dee, gabi na din eh. Ngayon lang ako nakapagpuyat ulit ng ganto. Di pa naman ako sanay. Gegebells. Bye Dee!

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon