December 12, 2015 - 10:58 pm
Dee!
Di ka maniniwala sa balita ko ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala!
Bago ang lahat, nasa Batangas si Josh dahil binisita niya ang lolo niya kaya hindi siya nakapunta sa bahay. May sakit ako eh. Simpleng sipon lang nung nakaraan tapos naging lagnat na! -_-
Eto na yung oh-so-shocking news. Ang akala ko ay sinurprise visit ako ni Josh at nakabalik na siya dahil sabi ni mama ay may bisita daw ako pero nung pagkapasok nung lalaki sa kwarto, napanganga nalang ako.
Si Leon.
Oo, tama! Si Leon. Binisita niya ako dahil nalaman niyang may sakit ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero hindi yun yung tanong na tumatakbo sa isip ko. Nakakagulat kasi dahil ang pagkakaalam ko ay isa siyang cold-hearted guy. Hindi nga nagpasalamat nung inalagaan ko siya eh.
Pero siguro eto yung way ng pasasalamat niya. Binisita niya ako at dinalhan ng prutas. Tinanong ko kung bakit siya napabisita sa bahay, sabi niya pinilit lang daw siya ni Mix.
Ewan ko kung totoo yun. Ayoko maging assuming 'no! Atsaka... may manliligaw ako diba? Parang maling isipin na.. Wala, wala.
Imposibleng mainlove si ehem-Leon-ehem sakin. Hindi daw ako ang type niya. Ayaw niya daw sa maliit. Nabanggit niya lang dati. Hehe.
Tapos ayun, umalis na siya. Inasar pa nga ako ni papa na may bagong manliligaw ako eh. -_-
Full of surprises talaga yung Leon na yun. Sige na, Dee. Sakit na ng mata ko. Bye!
Ang may-ari ng notebook,
Savvy
BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~