Diary ng Maliit

810 10 2
                                    

-

Ano ba sinusulat sa diary?

Mga mahahalagang pangyayari sa buhay. (Ayon sa Google.)

Hindi po puro kalandian lang ang sinusulat dito. Pero bahala kayo. Sari-sariling trip yan. Hindi ko na kayo papakielaman.

Para saan ba ang diary?

Para ilabas ang emosyon na nararamdaman. (Pwera nalang kung galit ka o naiinis, to the point na gusto mo nang sirain at punitin yung walang kwentang-- este, diary mo.)

Pero hindi ba kataka-taka? Bakit sa notebook mo nilalabas yang hinanakit, sama ng loob, lungkot, saya o kung ano man yang nararamdaman mo? 

Minsan, tatanungin mo din yung diary mo. Mukha bang sasagot yan? Nagmumukha ka lang tanga!

Isa pang bagay na magmumukha kang timang. Pag nawala yung diary mo at may nakabasa nito. Ayos lang siguro kung di ka kilala pero yung kilala ka? SAKLAP DRE.

Bakit pa kasi may diary? Sino ba nagpauso niyan? Ano bang mangyayari pang nagsulat ka o gumawa ka ng diary?

Pwede mo naman ilabas yung feelings mo sa kaibigan, pamilya, teacher, counselor, nagbebenta ng taho, nagbebenta ng cotton candy sa daan, tinderong sumisigaw ng balot, lasing na kumakanta sa karaoke, sa baliw o kaya sa pulubi. Bakit sa walang kwentang notebook pa? May magagawa ba yang diary mo sa nararamdaman mo?

HINDI KO MAINTINDIHAN! Paki-explain nga!

Pero... bakit nga ba problemado ako dito? Ano nga bang problema ko sa diary? Ano nga ba problema ko sa mga taong nagsusulat sa diary? 

Well, hindi ko din alam. Curious lang talaga ako dahil simula nung sumikat yang DNP na yan, ang dami nang nag-ddiary! Imbyerna akech!

Pero teka. Isa lang akong hamak na highschool na mukhang grade school dahil sa - ehem - height ko. Ang laki ng problema ko sa diary churvaness na yan pero kita niyo nga naman.

Bumili ako ng mamahaling notebook dahil nahiwagaan ako sa itsura nito na pure black ang cover. Tapos sinulatan ko sa harap ng 'diary'. Oh diba? Pati ako na-hypnotize ni Ate Denny na gumawa ng Diary! 

Magsusulat na nga ako... Ready na ba kayo matunghayan ang buhay ko? Ready na ba kayo sumama sakin sa paglalakbay ko? Ready na ba kayo para sa isang kakaibang adventure? Ready na ba kayo mag-ala Dora the Explorer? Ready na ba kaya maumay sa boring pero exciting na buhay ko? 

Wag nang magpaligoy-ligoy pa. Boom karakaraka!

2014 © noodlerella

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon