My Extraordinary Girl(CHAPTER 6)

573 6 2
                                    

... sinabi nang 'wag na magDOTA eh yan tuloy natalo pa ... makapagupdate na ga lang....

----------------------------

BAKIT BA AKO PINAHIHIRAPAN NG AMAZONANG YUN ? TSAKA ANO 'TONG NARARAMDAMAN KO? HINDI KO ALAM KUNG TAMA BA 'TO? AYAW KONG MARAMDAMAN ITO PERO PARANG GUSTONG SUMABOG NG PUSO KO SA SOBRANG TUWA, JANINE ESCUDERO ... ANONG GINAGAWA M SA AKIN? HINDI PWEDE 'TO, AYAW KO NITO...

hanggang sa pag-gising ko yun pa rin ang laman ng isip ko pauit-ulit sa utak ko ang mga bagay na naisip ko kagabi pa... kabaliwan lang siguro ito, kabaliwan na kailangan kong ipagamot kaagad dahi kapag lumalala ay baka di ko na kayanin...

"anak? gising ka na ba? may tawag ka galing sa opisina"

si mommy pala , bigla akong napabaglikwas sa tawag niya...

"opo mah ako na bahala!!,bababa na ako"pagkababa iniiabot sa akin ni mommy ang telepono...

"hello pare,pinapatawag ka dito sa office... kailangan ka daw ni MISS JANINE?"... bigla akong kinabahan sa sinabi ni Manuel sa telepono..

"ano daw kailangan niya?"sana naman this time hindi ako mahirapan kapag nakita ko ang babaeng yun..

"hindi ko alam , basta pinatawag ka lang niya sa akin ...."binaba ko na ang telepono at naligo na para pumunta sa opisina ... 

--------------------------------

AT THE OFFICE

pumasok ako sa office ng amazona, kinakabahan ako sa pagbukas ng pinto ng office niya...nung nakita ko siya naktingin siya sa akin at nakangiti ,bakit parang ang ganda niya sa paningin ko ...tama ba 'tong nakikita ko? bakit parang may kumiliti sa puso ko nung nakita ko siyang nakatayo sa harap ng salamin ano ba 'tong nangyayari sa akin ....

"may ilalaunch akong bagong comercial endorsement , at dahil sa nakita kong fit ka for this new project ,ikaw napili kong magmodelo for this event... don't worry , yung mga trabaho mo ipinasa ko na sa iba..." nanginginig pa rin ako sa tuwing nagsasalita siya,kaba lang siguro ito dahil sa sinabi niya...

"wala ka na bang ibang choices na mapagpilian kaya ako na lang yung inistorbo mo? and to think na papayag ako kaya pinapunta mo ako dito?"

"ikaw lang ang naiisip kong makakagawa nun kaya pinatawag kita and besides mas malaki ang benefits kapag tinanggap mo ang offer ko..."

"no! kahit ano pang sabihin mo di ko gagawin ang gusto mo"pagmamatigas ko

"MR.MENDOZA , ako ang boss mo ... kaya susunod ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo, or else you're fired"grabe nakakakinis talaga...

"ok... pero sana this time ayaw ko na ng intimidating scenes kasama ka..." lumapit siya sa akin ng sobrang lapit halos maamoy ko na ang pabango niya...

"bakit , hindi mo kinaya ang ginawa nating photoshoot kahapon kaya umaayaw ka na"ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko

"na...nagkakamali ka , ayaw ko lang ng naeexpose sa harap ng maraming tao ang katawan ko kaya sana huwag ganun ang ipagawa mo sa akin"pagmamakaawa ko ...

"sige ... sasabihan na lang kita kung kailan magshoshoot for the commercial, for now kailangan mo muna tapusin yung mga naiwan mong trabaho, go anck to work" umupo na siya sa chair niya

"a..aah , sige" hindi pa rin maalis ang aba ko..

------------------------

...pauwi na ako ng bahay , bwisit naman bakit ngayon pa bumagyo ... kailangan ko pa naman makauwi ng maaga kasi baka mag-alala si mama... baha ang daan , paano ko mailalabas ang sasakyan ko nito eh traffic pa?...

nakita ko si Janine na nag-iisa at mukhang may inaantay sa labas ng opisina... bakit di  pa siya umuuwi? nilapitan ko siya at pinarada ko sa harap niya ang kotse...

"oh , bakit di ka pa umuuwi? nasaan ang driver mo?"nanginginig siya sa lamig ...

"hindi ko nga alam eh , tinawagan ko na pero hanggang ngayon wala pa?"

"baka natraffic lang , hatid na lang kita ? baka kasi kung mapaano ka pa dito ... tsaka bumabagyo ngayon oh?" konsyensya ko pa pag may nangyaring masama sa babaeng 'to...

"sigurado ka?" 

"oo , sakay na"pagkasakay niya ng kotse ...binigay ko sa kanya ang jacket ko dahil sobrang lamig...

...habang nagmamaneho ako, bigla  na lang tumigil ang sasakyan sa gitna ng daan nasira ata dahil sa sobrang taas ng baha? kaya nagwala na naman ang amazona?

"ano bang 'tong auto mo?! bakit ganito ...? ano ngayon ang gagawin natin?"

"pwede bang manahimik ka muna ? malay ko bang mangyayari to ...tsaka alam mo naman na may bagyo at mataas ang baha kaya siguro nangyari 'to?"

... anong gagawin ko ? kasama ko pa naman ang babaeng 'to???...

--------------------------------------

Chapter 6, done!!! ito lang ang laman na utak ko sa ngayon.. kaya medyo nahirapan ako mag-update...

My Extraordinary Girl(ON-HOLD)Where stories live. Discover now