Iba pa rin ang impact ng Tom and Jerry sa akin laughtrip ako kasama ang makukulit kong pinsan.haha.
-----------------------------
JOHN'S POV
...dumaan ang mga oras,araw at buwan na si Janine lang ang laman ng utak ko kahit puso ko hindi ko maintindihan kung bakit pero kahit anong gawin ko nararamdaman ko na mahal ko na nga siya.kahit nagtatrabaho ako iniisip ko pa rin yung mga pagkakataong magkasama kami noon.
"MR.Mendoza are you okay?"tanong ng manager ko habang nakatulala ako.
"yes sir...may kailangan po ba kayo?"
"gusto ko sanang ipatrabaho sa'yo 'to"binigay niya ang mga hard copy photos sa akin"kailangan ko yan tomorrow kasi kailangan ko ng approval sa board..."sabi ng manager ko.
"sige sir ako na ang bahala dito"
"sige ,mauuna na ako"
...tinapos ko kaagad ang mga pinagawa ng manager namin at umuwi na ako.habang nagdidrive ako napadaan ako sa gate ng The League at naalala ko na naman ang si Janine.
"bakit ba hindi ka mawala sa isip ko?"bulong ko sa sarili ko.
...habang binabagtas ko ang EDSA tumawag si Manuel.
PHONE CONVERSATION
"hello pare,pauwi ka na ba?"
"oo pare,bakit?"
"nandito ako sa bahay ninyo,kanina pa kita hinihintay akala ko kasi nakauwi ka na"
"bakit ka nasa bahay?"tanong ko
"wala,gusto lang kita kamustahin..."
"sige pauwi na ako.maghintay ka kung makakahintay ka"
...pagkababa ko ng telepono diretso na ako sa pagdidrive.at pag-uwi ko naghihintay pa rin si Manuel sa akin.
"oh pare,parang namayat ka ata?"puna ni Manuel at tiningnan ang buo kong katawan.
"paano kasi hindi makakain."singit naman ni mommy.
"bakit?"muling puna ni Manuel.at nagsalita na ako.
"wala nai-stress lang ako sa trabaho..."
"stress?hindi ka naman dating ganyan ah.madalas pa nga may gana ka pang gumimik after ng trabaho natin?"
"ang dami mong tanong bakit ka ba nandito?"
"wala,makikipag-inuman sana ako pero mukhang wala ka sa mood"
"yun lang pala,umupo ka diyan magbibihis muna ako"
...pumunta ako ng kwarto para magbihis.hindi naman kami madalas mag-inum ni Manuel ginagawa lang namin 'to para magkaroon kami ng bonding paminsan-minsan.si Manuel kasi ang taong unang-una kong nakilala noong pumasok ako sa The League .nagtataka nga yung mga kasama namin sa trabaho kung bakit naging magbest friend kami kasi naman daw masyadong malayo ang ugali naming dalawa ,masyado daw akong matinong lalaki kumpara sa kanya.pagbaba ko ng kwarto pumunta ako sa kitchen para kumuha ng beer.mga ilang oras din ang lumipas at naramdaman ko na ang pagkahilo.kaya nagiging seryoso na ang usapan namin.
"pare ikaw ba sa dinami-daming babaeng dumaan sa buhay mo kahit isa ba sa kanila wala kang minahal ng totoo?"sabi ko na lasing na lasing na.
YOU ARE READING
My Extraordinary Girl(ON-HOLD)
Teen FictionKAKAYANIN MO BANG MAWALA SA IYO AN LAHAT PARA LANG MAHALIN ANG BABAENG KUKUHA NG MGA BAGAY NA MAHALAGA SA IYO, O MAGIGING MANHID KA SA KATOTOHANANG MAHA MO SIYA PARA LANG MAPSAYO ANG BAGAY AY DAPAT NA IYO LAMANG?KAILANGAN MONG MAMILI SA DALAWA . ANG...