Nakakaenjoy din pala gumawa ng poetry pero mas nagugustuhan ko yung feedback ng mga nagbabasa.
And dahil good mood ako update na lang muna XD.
-----------------------------
JOHN'S POV
"sigurado ka ba hon?"tanong ko kay Janine.kailangan ko bang tanggapin ang pagmomodelo para lang mapaganda ang image ng company.
"oo...huwag mo alalahanin ang mga daring photoshoot alam kong kayang-kaya mo yan"
"pero kinakabahan pa rin ako?"
"kaya mo yan,basta nandito lang ako"tumango na lang ako. "tatawagan ko na si Miss Alondra" tinawagan niya ang talent manager na nakilala namin sa fashion show.
.pagkatapos ng phone conversation nilang dalawa kinausap ako ni Janine na magsho-shoot daw ako ng isang commercial bukas at sa boracay ang location.kapag siniswerte ka nga naman,makakapagtrabaho na makakapagbakasyon pa ako.
"talaga?!sa boracay ang location!?"tanong ko kay Janine na may pagkasabik.
"oo...kaya umuwi ka na at mag-impake ka na?"
"eh ikaw paano ka?di mo ba ako sasamahan kahit moral support lang?"
"marami pa akong aayusin sa opisina eh,ikaw na lang?"
"ganun ba?"nalungkot ako sa sinabi ni Janine.
"don't worry hon,kapag natapos ko kaagad itong mga ginagawa ko dito susunod ako sa'yo dun"pumulupot ang kamay niya sa leeg ko habang sinasabi yun.
"sabi mo yan ha?"tumango lang siya at ngumiti.pagkatapos noo'y hinalikan ko siya at nagpaalam na ako.
AT THE BORACAY
.alas sais ng umaga lumipad ang eroplano na sinasakyan ko.kaya mga ilang oras lang ay nakarating na ako sa boracay kung saan gaganapin ang commercial shoot ko.ang ganda talaga dito sa boracay ang daming magagandang babae pero isa lang naman talaga ang pinakamaganda sa paningin ko.at si Janine lang yun.
"hello Mr.Mendoza" nakasalubong ko si Ms.Alondra sa labas ng hotel kung saan ako tutuloy for two weeks.
"kamusta po?"kinamayan ko siya.
"nabalitaan ko kasing ready ka na raw ,kaya kaagad kitang pinapunta dito para hindi na tayo magahol sa oras"mukhang mataray si Miss Alondra ah.
"ganun nga po"sabi ko ng mahinahon.
"by the way this is Wendy Saavedra,siya ang makakasama mo for the photoshoot and sana magkasundo kayo"may pinakilala siyang babae sa akin na sexy dahil nakabikini lang at maganda pa.parang wala kang itatapon sa babaeng pinakilala ni Miss Alondra.
"hi! It's so nice to meet you"kumamay sa akin si Wendy at sobrang lambot ng kamay niya.
"thank you"yun na lang ang nasabi ko habang kinakamayan siya.
"oh well, tara na sa room mo Mr. Mendoza para makapagready ka na for the photoshoot"sabi ni Miss Alondra at itinuro niya sa'kin ang room ko.
.palabas na sana ako ng room ko papuntang photoshoot pero pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang nakabath rove na si Wendy.
"a-anong ginagawa mo dito?"nanginginig kong tanong dahil sa malagkit na tingin sa akin ni Wendy.
"hinihintay lang kita,and tutal naman partner kita sa photoshoot I think it's okay kung sabay na tayong pupunta doon."nagulat ako ng biglang pumunta ang kamay niya sa butones ng white polo ko at inalis yun"mas HOT ka tingnan kapag ganyan"nakakaakit niyang pagkakasabi.
"ga-ganun ba?halika na nga"pagkasabi ko noo'y humawak siya sa braso ko at sabay kaming naglakad.wala akong nagawa dahil ayaw ko namang ipahiya ang mga babae na katulad niya.
.pagpunta namin sa beach,halos lahat ng staff and crew ng photoshoot ay nakatingin sa amin na parang may malisyosong tanong sa mga mata.
"okay!okay!get ready na guys.magsisimula na tayo"sigaw ng photographer.
.habang nagsho-shoot kami hindi ko mapigilan ang sarili ko na mailang sa mga ginagawa ni Wendy,kasi naman kung saan-saan gumagala ang ang kamay niya sa katawan ko.kulang na lang halikan ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
.hapon na nang matapos kami at umakyat na ako sa room ko para maligo.pero paglabas ko ng banyo nabigla ako dahil nakita ko si Wendy na nakaupo sa couch at may dalang alak.
"We-Wendy?bakit ka nandito?!"nagulat ako dahil nakasando lang siya na black at nakashorts.
"wala lang,I just want to know you more para maging comfortable tayo sa isa't isa habang nagtatrabaho."tumayo siya at hinaplos niya ang gitna dibdib ko."tara uminom tayo"sabi niya.
"umalis ka na matutulog na ako"
"hindi mo ba ako pagbibigyan,kahit isang cheers lang please?"pakiusap niya.
"haisst!sige na nga pero isa lang ha?"umupo kami sa couch at uminom ako ang ibinigay niyang glass of red wine na mukhang kanina pa niyang inihanda bago pa ako matapos maligo.pero maya-maya lamang ay naramdaman ko ang antok.
"na-nahihilo ako...matutulog na ako ha?"
"sige .aalalayan na lang kita papunta sa kwarto mo"sabi ni Wendy at inalalayan niya ako.pero hindi pa ako nakakarating sa kwarto ay nawalan na ako ng malay at hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari.
-----------------------------
.kinailangan ko pa mag-isip ng update sa story na 'to kasi hindi ko makaya ang mga hot scen eh.haha.
P.S.
salamat sa reads and feedback and votesng poem ko entitled "Masaya Ka Ba?"
ito muna sa ngayon.xoxo.PH
YOU ARE READING
My Extraordinary Girl(ON-HOLD)
Teen FictionKAKAYANIN MO BANG MAWALA SA IYO AN LAHAT PARA LANG MAHALIN ANG BABAENG KUKUHA NG MGA BAGAY NA MAHALAGA SA IYO, O MAGIGING MANHID KA SA KATOTOHANANG MAHA MO SIYA PARA LANG MAPSAYO ANG BAGAY AY DAPAT NA IYO LAMANG?KAILANGAN MONG MAMILI SA DALAWA . ANG...