CHAPTER 31
...continuation.
JANINE'S POV
.may isang liwanag akong naaninag,umaga na pala.pero ano nga bang nangyari kagabi ang alam ko lang eh nasa isang bar ako tapos wala na!nagblack-out na ang lahat after nun at wala na akong natandaan. pero teka!nasaan ako.hindi ko naman kwarto ito ah,parang wala naman akong natatandaan na umuwi ako kagabi.
"nasaan ako?"bulong ko sa sarili ko habang hawak ang masakit kong ulo.kaninong kwarto 'to at bakit puro blue yung paligid.parang kwarto ng lalaki.@_@ oh no!hindi kaya??wag naman sana.maya-maya lang ay may narinig akong nagbukas ng pinto.buti na lang at nakahiga pa ako kaya pinikit ko ulit yung mata ko.binukas ko yung isa kong mata para malaman kung sino yung pumasok--isang lalaki.matangkad pero nakatalikod at may hawak na tray at inilagay sa table sa tapat ng kama kung saan ako nakahiga.nakawhite-sando lang siya kaya kitang-kita ng half eye ko yung masculine niyang katawan kahit nakatalikod.yung balikat niya parang bato,likod pa lang ang sexy na ng lalaking 'to,eh paano kaya kung humarap.pero sino naman kaya ang lalaking 'to at anong ginagawa niya dito?nung humarap na siya muli kong ipinikit ang mga mata ko.
"miss.alam kong gising ka na,pwede mo nang imulat ang mga mata mo"narinig kong sinabi nung lalaki.kaya nang imulat ko yung mga mata ko...
O_o kilala ko siya!yung gwapong waiter kagabi sa bar.ibig sabihin siya yung nagdala sa'kin dito?at ngayon kahit nakasando siya kitang-kita ko yung 6-pack pandesal niya kahit nakasando pa siya.ohmagash!ang yummy ng nilalang na nasa harapan ko ngayon parang si John lang.pero John din yung name nitong lalaking 'to eh.so siya nga si John.
"si-sino ka?"tanong ko.ang gaga ko talaga bakit pa ako nagtatanong eh kilala ko na nga siya?wala lang para maaalis lang yung focus ko sa yummy niyang katawan.pengeng kape!may pandesal na sa harapan ko eh. XD
"ako nga pala si John Franco Pamplona.you can call me Franco.mas gusto kasi yun"ang pormal naman niya magpakilala at talagang buong pangalan pa niya ang sinabi niya.tapo choosy pa sa pagpili ng itatawag sa kanya.
"ah--nice to meet you Franco"sabi ko tapo nakipagshake-hands ako sa kanya."nasaan nga pala ako?"to continue our conversation gusto ko lang malaman kung paano ako napapunta sa magandang kwarto na 'to pa panglalaki lang talaga ang tema dahil sa daming superhero figurines lang ang nakadisplay at navy blue ang wall.
"nandito ka sa unit ko"sabi niya then pumunta siya dun sa table na pinaglagyan niya ng tray kanina.
"unit mo?eh akala ko ba waiter ka lang sa bar.bakit may condo unit ka?"tanong ko.
"ang totoo niyan.akin yung bar na yun,minsan kasi pag wala akong magawa dun ako na lang yung tumatao dun sa counter tapos pinagpapahinga ko yung mga tao ko.eh sakto naman na dumating ka.kaya ayun"maliwanag na sa'kin ang lahat.ang humble pala naman niya kahit papaano.hindi siya yung tipo ng guy na mayabang sa mga bagay na kung anong meron siya.parang si John lang.aaargh!bakit ba pumapasok si John sa isip ko eh galit nga ako sa kanya.
"aah..."yun lang ang naisagot ko sa kanya.
"oh magbreakfast ka na para naman matanggal yang hang-over mo"sabi niya kaya tumayo ako at lumapit sa table.may fried rice at hotdog sa mesa tapos may coffee na ring kasama.at habang kumakain ako napansin kong nakatitig siya sa'kin.
"may dumi ba ako sa mukha--bakit ganyan ka makatingin?"para kasing matutunaw ako sa titig niya.
"ah wala naman--sige kumain ka lang"sabi niya.
"hindi mo ba ako sasabayan sa pagkain?"sabi ko.
"ah hindi na,kumain na ako eh"sabi niya tapos tumayo lang siya at nagsuot ng leather-jacket.
"saan ka pupunta?"tanong ko.
"dito ka muna--may bibilhin lang ako"sabi niya kaya nagnod lang ako theng lumabas na siya.
FRANCO'S POV
kahawig niya talaga si Nathalie.kung nabubuhay lang sana siya ngayon sana masaya na kami.nung gabing makita ko si Janine naalala ko ang namatay kong girlfriend na si Nathalie.kaya heto ako parang bumabalik sa nakaraan na ayaw ko nang balikan pa.gusto ko nang kalimutan si Nathalie pero dahil kay Janine mukhang mahihirapan akong burahin siya sa puso't isip ko.
Nandito ako ngayon sa mall hindi ko alam pero gusto kong ibili ng damit si Janine.ganito rin kasi yung madalas kong gawin kay Nathalie noon kapag napunta siya sa unit ko.ang ibili siya ng damit.sa paglalakad-lakad ko sa ladies-wear area nakakita ako ng isang floral dress yung tipong pangbeach lang.kaya hinawakan ko siya at tiningnan tapos may lumapit sa'king sales lady.
"sir--bibilhin nyo po ba yan para sa girlfriend ninyo?"sabi nung sales lady.kaya medyo napangiti ako kasi para sa babaeng kakikilala ko pa lang yung damit na bibilhin ko.
"oo miss--bayaran ko na lang sa counter"sabi ko sa sales lady.
"akin na po sir ako na po ang bahala diyan"sabi nung sales lady kay iniabot ko yung floral dress na hawak ko at sumabay ako sa kanya sa counter.
"here's your item sir.thank you"sabi nung sales lady sa counter at kinuha ko na yung binili kong damit.dumiretso na ako sa unit ko...
_____________________________________________________________________________
.END OF CHAPTER 31...
YOU ARE READING
My Extraordinary Girl(ON-HOLD)
Teen FictionKAKAYANIN MO BANG MAWALA SA IYO AN LAHAT PARA LANG MAHALIN ANG BABAENG KUKUHA NG MGA BAGAY NA MAHALAGA SA IYO, O MAGIGING MANHID KA SA KATOTOHANANG MAHA MO SIYA PARA LANG MAPSAYO ANG BAGAY AY DAPAT NA IYO LAMANG?KAILANGAN MONG MAMILI SA DALAWA . ANG...