My Extraordinary Girl(CHAPTER 21)

445 6 1
                                    

Dedicated to her.kasi naman nagkaroon ako ng motivation dahil sa pinublished niya.so Ririe013 read this chapter and I need your judgement.mahalaga lang talaga sa'kin ang story na 'to. :-)

----------------------------- 

Chapter 21

JOHN'S POV

after ng heart surgery ng mommy ko nabawasan kahit papaano ang bigat ng kalooban ko pero nanatili pa rin ang pangamba ko lalo na't may posibility na magkaroon ng heart attack si mommy kapag hindi ko siya lubos na inalagaan.isama mo pa ang sama ng loob sa'kin ng girlfriend kong si Janine na nagalit sa akin ng sobra dahil sa mga nasabi ko sa kanya.ayaw ko lang naman na pati siya problemahin ang problema ko.pero pangako paglabas namin ng ospital babayaran ko ang ibinayad niya sa operasyon ni mommy kasi ayaw ko na balang araw na sabihin ng mga tao na kaya ko lang siya ginawang girlfriend eh dahil sa pera niya.

"oh mommy gising ka na pala?"habang nag-iisip ako nagising na si mommy.

"nasaan ako John?"tanong niya.

"nasa ospital ka mah,naabutan ka ni Manuel na walang malay kaya dali-dali ka niyang dinala dito"walang imik na nag-isip si mommy na parang inaalala ang mga nangyari"sige mah,magpahinga ka muna?"sumunod na lang si mommy sa iniutos ko.

.makalipas ang tatlong araw nakalabas na si mommy sa ospital at napagdesisyunan kong kumuha ng katulong para may mag-aalaga kay mommy kapag nasa trabaho ako.

"oh manang ikaw muna ang bahala kay mommy kapag wala ako ha?"sabi ko sa kinuha kong katulong habang tulak-tulak ko ang wheel chair ni mommy papasok ng bahay.

"opo kuya..."medyo mahiyaing sagot ni manang.

"aalis muna ako,ikaw muna ang bahala dito ha?huwag kang magpapasok ng kung sinu-sino kapag umalis ako?"bilin ko kay manang.

"opo kuya.ingat po kayo"sabi niya.

.pumunta ako sa kumpanya at agad kong hinanap si Janine,mabuti na lang at pumasok siya sa opisina.

AT THE OFFICE

"anong ginagawa mo dito?!"galit na salubong sa'kin ni Janine.

"hon,gusto ko lang naman magsorry sa mga nasabi ko,at nandito ako para ibigay 'to..."inilapag ko ang perang dala ko na na-withdraw ko nung ooperahan si mommy pero hindi ko rin nagamit dahil si Janine ang nagbayad.

"ano yan?"tanong niya

"kabayaran yan ng mga nagastos sa ospital"

"hindi ko kailangan yan ginawa ko lang yun para kay tita at hindi para sa'yo"

"pero hindi ako makakapayag na hindi kita babayaran?"

"gusto mo ba talaga akong bayaran"tumingin siya sa'kin ng seryoso at ngumiti ng nakakaloko.

"oh-oo naman!"

"sige bayaran mo ako.pero hindi pera ang ibabayad mo sa akin"sa pagkakataong yun ay lumapit siya sa'kin at pumulupot ang kamay niya sa leeg ko.

"a-anong gusto mong ibayad ko sa'yo?"kinakabahan talaga ako kapag ganito siya tumitig eh.

"yung katawan mo..."nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.

"a-anong ibig mong sabihin?"bumaba ang kamay niya sa belt ko.

"gusto kong ikaw ulit ang magmodel sa susunod na advertisement ko..."ngumiti ulit siya ng nakakaloko na para ba akong nahihipnotismo sa mga labi niya?

"a-ayaw ko nga!"itinulak ko siya ng bahagya.

"ayaw mo?oh sige bayaran mo ako ng half a million!"ano daw?!half a million?umiral na naman ang pagiging negosyante niya.

"nababaliw ka na ba JANINE ESCUDERO?wala akong ganung kalaking halaga?!"sigaw ko na may emphasis.

"negosyante ako Mendoza,kay kung ayaw mong magbayad ng ganung halaga magpakain ka na lang sa pride mo hanggang sa mawala yan"mahinahon niyang pagkakasabi at ngumiti ng nakakaloko natulala ako at napatitig sa mga labi niya,sa labi niya na hindi nakakasawang halikan kahit paulit-ulit a para gusto kong sumunod sa mga sinasabi niya.

"haist!sige na nga!"napailing na lang ako sa sagot ko.

"good!"

"bakit ba kasi hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko kapag ganyan ka?"

"dapat lang na sundin mo ako dahil ako ang C.E.O. ng kumpanya na 'to at ako ang girlfriend mo Mendoza" nanginginig talaga ang katawan ko kapag tinititigan niya ako na parang gusto kong halikan siya."oh sige magkita na lang tayo mamaya,ang dami mong naiwang trabaho kay kung pwede lang tapusin mo na"sabi niya

.bumalik ako sa station ko at nakakwentuhan ko si Manuel tungkol sa pinagagawa sa'kin ni Janine.

"what!?ikaw ang magiging model sa susunod na advertisement ng company?!"gulat na tanong ni Manuel

"oo,wala na akong nagawa eh.si Janine kasi?"

"pare alam mo ba kung ano ang ieendorse mo?!"

"hindi,ano ba yun?"

"isang underwear fashion show yun at lahat ng kasali kailangang may malaking ipapakita?!"nagulat ako sa mga sinabi ng Manuel.

"ha?!paano ngayon 'to?"

"wala ka nang magagawa pare kung pagpipyestahan ng mga babae yang katawan mo.tsaka isa pa may malalaki ka namang ipapakita!hahaha"grabe talaga mag-isip 'tong si Manuel hindi ko alam kung pati ako minamanyak nito.

"tigilan mo nga ako,luko-luko ka talaga!"binatukan ko si Manuel.

.ano na naman ba ito Janine.inilagay mo na naman ako sa alanganin.pero anong magagawa ko eh naka-oo na ako.

-----------------------------

oh no!dumaloy na naman ang exageration ng utak ko hindi ko alam kung tama pa itong sinusulat ko.

P.S.

wala ako maisip na character na pwedeng maging model as John Mendoza so please hep me naman :) tnx

My Extraordinary Girl(ON-HOLD)Where stories live. Discover now