paano ba magportray sa isang kwento na walang sikat na cahracter? ganito lang yan..imagine nyo na lang na kayo at yung love one ninyo ang nasa kwento , then yung ibang suporting characters ibigay nyo sa kakilala nyo... oh yan nakapagbasa na kayo naging artista pa kayo hahahaha...
I love to update this chapter kasi kahit papaano may nakikita akong magagandang respond galing sa ibang readers... lalo na sa taong binigyan ko ng dedication ng kwento na 'to...
--------------------------------------
cotintinuation from CHAPTER 7....
...napansin kong pumaling sa harap ko ang mukha ni Janine buti na lang tulog , ang sarap pala niya pagmasdan habang natutulog , parang anghel pero pag gising parang halimaw na nagwawala ...
...ipipikit ko na yung mata ko nang nakita ko siya na unti-unti niyang iminumulat ang mata niya at bigla siyang nagsisigaw....
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!"
...nahulog ako sa kama sa kama dahil sa pagkakasigaw niya , naku lagot ano na ang gagawin ko?"
"aray ! aray ! ano ba MISS JANINE nasasaktan ako" pinagpapalo niya ako at pinaghahampas sa braso at mukha...
"Dapat lang yan sa'yo , kasi bastos ka! sinsasabi ko na nga ba at may masama kang balak sa akin eh , siguro hinintay mo 'tong pagkakataon na ito para pagsamantalahan ako 'no? kaya siguro nag-offer kang ihatid ako para dalhin sa hotel na 'to at tamang-tama ang pagkakataon kasi bumabagyo?!"
... patuloy pa rin siya sa paghampas sa akin ,at hindi pa siya nakuntento ... bababa pa siya ng lobby para maghanap ng guard na mapapagsumbungan..
"saan ka pupunta?!"sinigawan ko siya habang papalabas ng pinto
"hahanap ako ng guard at ipapahuli kita sa pulis!!!! bastos ka!!!"
"nababaliw ka na , wala akong ginagawang masama sa iyo MISS JANINE, bumalik ka dito!!"
.... hindi siya nakinig at nagtatakbo siya papuntang HOTEL LOBBY...
"guard ?! guard ?!" may lumapit na sikyo sa kanya at nagtanong
"yes ma'am ? may problema p ba?"
"tumawag ka ng pulis, may gustong guma-- uhm!!!!"
...wala na akong nagawa , hinalikan ko siya sa labi para hindi makapagsalita , mga 5 seconds yun kaya medyo natulala ang guard na nasa harapan namin, hinalikan ko na lang siya kasi kapag tinakpan ko yung bibig niya baka lalong maghinala ang guard na may ginawa akong masama sa kanya kahit wala naman..
...after 5 seconds kissing scene sa harap ng guard nakita ko na lang na nakatulala si Janine sa harap ko at parang batng naninigas , nagulat ata sa ginawa ko..
"sir ? may problema po ba?" tanong ng guard na halatang gulat din
"aaah wala , may nakita kasi siyang gumagalaw sa window , akala niya magnanakaw ... nung sinilip ko naman , pusa lang pala" ... nagpalusot na lang ako kesa magiskandalo pa 'tong babaeng 'to...
"ah ganun po ba?pagpasensyahan nyo na po, minsan kasi may pakalat kalat na pusa sa loob ng hotel"--- weeeh di nga , palusot ko lang yun eh?
"ah sige boss matutulog na kami, buntis kasi itong misis ko eh kaya ganito na lang kung makapagreact"
...nagpalusot na lang din naman ako lulubuslubusin ko na para hindi na makapgeskandalo ang babaeng 'to...
YOU ARE READING
My Extraordinary Girl(ON-HOLD)
Teen FictionKAKAYANIN MO BANG MAWALA SA IYO AN LAHAT PARA LANG MAHALIN ANG BABAENG KUKUHA NG MGA BAGAY NA MAHALAGA SA IYO, O MAGIGING MANHID KA SA KATOTOHANANG MAHA MO SIYA PARA LANG MAPSAYO ANG BAGAY AY DAPAT NA IYO LAMANG?KAILANGAN MONG MAMILI SA DALAWA . ANG...