Kung tayo'y matanda na sana'y di tayo magbago la.la.la.la.
Yeah!for the first time ngayon lang ako kinilig sa isang kanta at OPM pa?madalas ako makinig ng music pero kahit isa sa kanila di ko kinakiligan .yun lang kantang yun.tinatanong nyo kung paano kiligin ang mga lalaki? Hulaan nyo.ahaha
dedicated to him kasi siya lang yung lalaki na nagbigay ng complement sa story ko salamat pre ha?
----------------------------
...continuation from chapter 10.
...dinala ako ng mga armadong lalaki sa isang abandonadong gusali na mukhang hindi naituloy.
"sino ba kayo at bakit nyo ako dinala dito?"
...nakablind fold pa ako ngunit walang umiimik sa mga lalaking kumidnap sa akin nang may marinig akong isang pamilyar na boses.
"kailangan pa pala kitang ipakidnap para lang kausapin..."
"sino ka?at bakit nyo ako dinala dito?"
...tinanggal ng isang lalaki ang blind fold ko at nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa harap ko.
"gusto ko lang naman magpaliwanag pero di ka nakinig.ngayon namang pinakidnap kita matigas pa rin ang ulo mo?"
...humarap sa akin ang babae at tama ang hinala ko sa pamilyar na boses na narinig ko kanina.si Janine.
"ang lakas ng loob mong gawin sa'kin 'to. idedemanda kita!"
"ehdi gawin mo.akala mo matatakot mo ako.kahit pulis kaya kong paikutin sa ginawa kong 'to...!" -hinawakan ako ng mga lalaki sa balikat at pinaupo sa isang upuan.
"ganyan ka ba talaga? Pinapairal mo ang pera para magawa mong lahat.ganyan ba talaga kayong mayayaman?"
"oo!mayaman ako,marami akong pera kaya kong paikutin lahat! I get whatever I want or whoever I want..."
"pakawalan mo ako!"
...pagkasabi ko noo'y sinenyasan ni Janine ang mga lalaki na kalagan ako pero hindi pa rin ako makagalaw dahil nakahawak pa rin sa'kin ang isang lalaki.
"kung inaakala mo na kaya mong kontrolin ang lahat ng tao sa paligid mo.nagkakamali ka.hindi ako katulad ng inaakala mo"
...hindi siya nakaimik sa sinabi ko.
"bitawan mo nga ako!!!"
.akma akong susuntukin ng isang lalaki nang sumigaw si Janine.
"pakawalan nyo na siya!"
...hindi na ako pinigilan ng lahat kaya malaya akong nakaalis.paglabas ko ng building nakita ko ang kotse ko na nasa labas siguro dinala ng mga lalaki papunta dito.buti na lang nasa loob pa yung susi.
...umuwi na ako kasi baka nag-aalala na si mommy sa'kin.pag-uwi ko sa bahay nakita ko si mommy na naghahanda ng dinner.buti na lang 10pm pa lang nung umuwi ako.
"oh anak kain na...nagluto ako ng paborito mong putsero kasi alam kong pagod ka."
"mah wala na pala akong trabaho" hindi ko naman pwedeng sabihin na nagresign ako kasi baka magalit si mommy
"ha?paano na tayo niyan?"
"don't worry mah.may naipon naman ako tsaka bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho."
YOU ARE READING
My Extraordinary Girl(ON-HOLD)
Teen FictionKAKAYANIN MO BANG MAWALA SA IYO AN LAHAT PARA LANG MAHALIN ANG BABAENG KUKUHA NG MGA BAGAY NA MAHALAGA SA IYO, O MAGIGING MANHID KA SA KATOTOHANANG MAHA MO SIYA PARA LANG MAPSAYO ANG BAGAY AY DAPAT NA IYO LAMANG?KAILANGAN MONG MAMILI SA DALAWA . ANG...