CHAPTER 32
...continuation.
FRANCO'S POV
I'm being unfair to myself.gusto ko na ngang kalimutan si Nathalie after all pero nung makita ko si Janine pakiramdam ko bumabalik ako sa nakaraan.tama ba yung ginagawa ko sa sarili ko?para kasing lalo akong masasaktan kapag hinayaan ko lang na mahulog ang loob ko sa taong kamukha lang ng minamahal ko.
*TING!*
narinig ko na lang na tumunog yung elevator na sinasakyan ko habang nag-iisip ako.
"sir,nandito na po tayo."sabi nung babaeng operator ng elevator.mukhang napansin niya kasi na kanina pa ako tulala at balisa.
"salamat"matipid kong sagot at lumabas na ako ng elevator, pagpunta ko sa unit ko nakita ko si Janine na kumakain pa rin.kanina ko pa siya iniwang kumakain tapos di pa rin siya tapos.parang si Nathalie din pala siya,aist!Franco,stop making another agony.patay na si Nathalie,just always remember that.
"oh.nandiyan ka na pala"nakita ko na lang si Janine na nakatitig sa'kin.
"ah--hindi ka pa pala tapos kumain."sabi ko para hindi niya mapansing may iniisip ako.
"oo eh,sorry ha.mabagal talaga akong kumain"sabi niya.
"okei lang.sanay na ako"sabi ko then pumunta ako sa side table ng bed without knowing na si Janine ang kausap ko at hindi si Nathalie.
"ha?anong ibig mong sabihing sanay ka na?"syet!ano bang nangyayari sa'kin,Franco!si Janine yan,hindi yan si Nathalie.
"ah wala,hehe.ibig ko sabihin okey lang na mabagal kang kumain"yun na lang ang sinabi ko.
"ah.salamat nga pala sa food--sige,kailangan ko na palang umalis"sabi niya.
"ha?teka!aalis ka?ganyan ang bihis mo?"pinasuot ko lang kasi sa kanya yung shirt ko kasi sinukahan niya kagabi yung suot niya.
"ah,eh--meron ka ba diyang jeans at kahit maliit na shirt lang?"tanong niya then lumapit ako dun sa side table sa tabi ng bed at kinuha ko yung shopping bag tapos inabot ko sa kanya.
"oh ito,alam kong wala kang isusuot kaya ibinili kita nito"sabi ko tapos inabot naman niya in a way na parang nahihiya siya.
"sa-salamat"she said.
"oh,isuot mo na yan.baka magbago pa ang isip ko at pauwiin pa kitang nakahubad"biro ko kasi namumula siya nung iabot ko yung shopping bag na may lamang floral dress.sana magustuhan niya.
"bastos ka talaga!"she blurted out at hinampas niya yung balikat ko na napakalakas.
"aray!masakit yun ah,kaw naman di ka na mabiro!"sabi ko.
"tse!"sabi nya tapos pumasok sa loob ng banyo.
"bilisan mo ha?!"sigaw ko habang nasa loob siya ng banyo but she didn't respond.mukhang nagalit yata sa biro ko kanina.
Habang hinihintay ko siya umupo muna ako sa bed,at para mawala ang boredom ko kinuha ko yung Ipad ko at nagbukas na lang ng facebook account ko,hinanap ko yung account ni Janine at nung makita ko napansin ko kaagad yung lalaki na katabi niya sa profile photo niya which is I guess her boyfriend then napansin ko rin yung relationship status niya na in-a-relationship with John Mendoza.medyo familiar yung mukha nung lalaking 'to ah.parang nakikita ko siya sa isang magazine?modelo pala ang boyfriend ni Janine.
"hoi Franco!"nagulat ako sa boses na narinig ko,si Nathalie?nanaginip ba ako.pero patay na siya?natulala na lang ako sa nakita ko dahil nakita ko siyang nakafloral dress "hui!bakit para kang nakakita ng multo?"syet!nakalimutan ko si Janine nga pala ang nasa harapan ko.
"a-ah,tapos ka na pala.tara!ihahatid na kita"sabi ko pero bigla niyang hinawakan yung Ipad ko
"ano yan ha?"buti na lang at naagapan ko kaya hindi niya nakuha.baka kasi makita niya na tinitingnan ko yung facebook account niya.
"wala 'to"itinaas ko yung Ipad ko tapos kinapa ko yung PROFILE para mapunta siya sa account ko.
"patingin lang naman!akin na."binitawan ko na yung Ipad ko.
"oh--"sabi ko.
"facebook lang pala eh.bakit ayaw mo pang ipakita?"sabi niya.
"wala--akin na nga yan"kukuhanin ko na sana yung Ipad ko pero naiilag niya sa kamay ko.
"teka lang--girlfriend mo ba 'to?"oh no!mukhang nakita niya yung photo ni Nathalie."bakit parang magkahawig kami?"sabi niya.
"ha?ah-eh.hindi ah!mas maganda kaya siya sa'yo"dun na ako nagkaroo ng pagkakataon na kunin sa kanya yung Ipad ko at nakita ko yung mukha niya na tulala.
"totoo kaya yung sinasabi nila?"she said.
"sinasabi na ano?"nagtataka kong tanong.
"na may kahawig ako,kaya pala everytime na magpupunta akong New York palagi nilang sinasabi na nakauwi na pala ako ng Pilipinas kahit hindi pa naman"sabi niya na halatang nalilito sa mga nangyayari.
"noong una nga kitang makita akala ko may kakambal si Nathalie"sabi ko.
"Nathalie ang pangalan ng girlfriend mo?"
"oo--bakit?"sabi ko.
"may nasabi sa'kin si kuya na may kakambal daw ako na namatay pero hindi na nakita yung bangkay niya kasi nalunod na daw ito"bigla akong nangilabot sa sinabi niya.
"pe-pero last year lang namatay si Nathalie"hindi pwedeng mangyari 'to.
"what?!"nakita ko na lang na nanginginig at naiiyak si Janine sa mga sinabi ko.
"Janine,mahirap intindihin yung mga nangyayari pero baka makatulong ako kung sakaling totoo ngang kakambal mo si Nathalie"sabi ko pero napaiyak na lang siya.
.sana nga totoo yung hinala ni Janine na si Nathalie ang kakambal niya
______________________________________________________________________________
.END OF CHAPTER 32...
YOU ARE READING
My Extraordinary Girl(ON-HOLD)
Teen FictionKAKAYANIN MO BANG MAWALA SA IYO AN LAHAT PARA LANG MAHALIN ANG BABAENG KUKUHA NG MGA BAGAY NA MAHALAGA SA IYO, O MAGIGING MANHID KA SA KATOTOHANANG MAHA MO SIYA PARA LANG MAPSAYO ANG BAGAY AY DAPAT NA IYO LAMANG?KAILANGAN MONG MAMILI SA DALAWA . ANG...