My Extraordinary Girl(CHAPTER 30)-continuation

362 4 1
                                    

CHAPTER 30

.continuation...

JOHN'S POV

"hon,let me explain!"pagkapasok ko ng unit namin ni Janine nakita ko siyang nag-iimpake ng gamit na umiiyak.hindi ko akalaing mangyayari ito kaya hindi ko alam ang gagawin ko nung nakita ko yung reaksyon niya nung makita niya akong sa unit ni Wendy.

"explain?after what I saw gusto mo mag-explain?anong gusto mong magsaya ako pagkatapos ng nakita ko?"sabi ni Janine na patuloy pa rin sa pag-iyak at pinagpatuloy ang pag-iimpake ng gamit niya.

"hon,mali ang iniisip mo!"sabi ko at tiningnan niya ako ng seryoso.

"mali,eh yung pagsisinungaling mo sa'kin,.tama ba 'yon?--ang sabi mo sa'kin may party ka lang na pupuntahan.yun pala nakikipagparty ka sa babaeng 'yon!"she said at kinuha yung bag niya ngunit bago pa siya makalabas ay pinigilan ko siya.

"Janine,hindi naman ganun yun eh--" magsasalita pa sana ako pero bigla na lang niya akong sinampal

PAAAK!!!

"nangako ka sa'kin John,nangako ka na wala kang itatago sa'kin,tapos ano 'to?niloko mo ako John,niloko mo ako!"rinig na rinig ko ang mga sinabi niya sa'kin kaya halos mabingi ako sa sigaw niya.

"Janine,WAIT!!!"muli ko siyang hinawakan sa braso bago pa niya mabuksan ang pinto papalabas.

"bitawan mo ako John!"sigaw niya at sinipa niya yung paa ko.

"awww!Janine sandali!"hindi ko na siya napiglang umalis o kahit mahabol man lang dahil sa sakit ng paa ko muka sa pagkakasipa niya at kahit anong sigaw ko ay hindi niya ako nililingon.kasabay ng pag-alis ni Janine ay ang pagbukas ng pinto ng unit ni Wendy at nakita ko yung mukha niya na parang masaya pa.ibang klase!sa dinami-dami ng pwedeng mangyari bakit ganito pa.nilapitan ko si Wendy na nakatayo sa pinto ng kanyang unit.

"oh ano,masaya ka na!ang galing mo Wendy,nasira mo kami ni Janine ng walang kahirap-hirap.panalo ka na!"sigaw ko sa kanya at ibinato ko sa mukha niya ang towel na nakapulupot sa waist ko at pumasok sa kwarto.

.nahiga na lang ako sa kama ko at itinaklob sa mukha ko ang unan na ginamit ni Janine.hindi ko na alam kung kaya ko pang humarap kay Janine pagkatapos ng mga nangyari.sana mapatawad niya ako.

JANINE'S POV

hindi ko alam na ganito pala kasakit ang lokohin ng lalaking mahal mo.para akong binagsakan ng malaking bato sa dibdib ko.nagdidrive ako ng kotse na umiiyak at di ko alam kung saan ako pupunta.gusto ko sanang magpakalayu-layo muna pero wala akong alam na lugar dito kaya tumigil muna ako sa isang bar.

"tequilla please"sabi ko dun sa isang waiter at umupo ako sa counter.

"here's your tequilla ma'am"sabi nung cute na waiter na nagbigay sa'kin ng tequilla.

"thanks"sabi ko dun sa waiter pero napansin kong panay ang tingin niya sa'kin.

"mukhang may problema kayo ma'am ah?lovelife ba?"kung makapagtanong naman 'tong waiter na 'to parang close kami,kausapin ko na nga lang para hindi ako mabored at para makalimutan ko na rin yung problema ko.

"oo,niloko ako ng walangya kong boyfriend"sabi ko sa waiter sabay lagok ng tequilla.ang gusto ko lang mangyari ngayon ay magpakalasing at mawala sa isipan ko ang nangyari.

mga ilang oras din ang dumaan ay naramdaman ko na lamang ang pagkahilo at kung anu-ano na yung lumalabas sa bibig ko habang kakwentuhan yung cute na waiter.

"hahaha.alam mo nakakatuwa ka rin palang kausap.ano ngang name mo?"tanong ko dun sa waiter habang dinadagdagan yung baso ko ng tequilla.

"John po ma'am"natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ko yung pangalan niya.

"tingnan mo nga naman oh,kapangalan mo yung boyf--I mean ex-boyfriend ko"sabi ko.

"talaga ma'am?pero kung tungkol naman po dun sa co-model niya yung pinag-awayan ninyo sana pinakinggan nyo din yung side niya para nalaman 'nyo kung bakit niya ginawa yun,minsan po kasi kaming mga lalaki may malalim na rason kung bakit minsan di namin sinasadyang saktan ang isang babae"sa kadaldalan ko pati yung nangyari kanina naikwento ko sa waiter na 'to.kaya pala ang lakas ng loob magsermon ng isang 'to.

"tequilla pa nga!"sabi ko na lang para hindi na niya ako pakealaman.

"ma'am,lasing na po kayo.saan po ba ang bahay ninyo at ihahatid ko na lang kayo?"sabi nung waiter.

"ah wala kang pakealam,basta lagyan mo pa 'tong baso ko ng tequilla."nagpumilit pa rin ako kahit di ko na kaya.

"ma'am,iuuwi ko na po kayo,baka kung mapaano pa kayo sa daan"sabi nung waiter at inakay ako para tumayo

"ano ba?gusto ko pa mag-inom eh!bitawan mo nga ako!"

"pero ma'am,magsasara na po kami!kailangan nyo na pong umuwi"

"ano bang pake--"hindi ko na naituloy ang sinabi ko at nawalan na lang ako ng malay nahihilo na rin ako kung kaya't hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari,hindi ko namalayan na binuhat na ako ng waiter sa kotse ko at pagkatapos nun naramdaman ko na lang na umaandar yung kotseng sinasakyan ko.hindi ko na rin pinansin kung sino man yung nagdidrive ng kotse at dahil nga sa sobrang antok napasandal na lang ako sa salamin ng kotse .hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari ngayon.hindi ko alam kung anong magagawa ko kay John sa oras na magkita kami ulit 

____________________________________________________________________________

END OF CHAPTER 30

My Extraordinary Girl(ON-HOLD)Where stories live. Discover now