3rd person's--
Lunes na at naghahanda na ang iba't ibang section ng 4th year levels, kasama na ang section nila Lauren at Gabriel..
Simula ng magpractice sila sa Dance performance nila tuwing P.E Class nila ay lagi na silang nasa iisang venue, sa open field ng kanilang school.
Dalawang minuto nalang at magbebell na, ang parehong section ay ready na sa kanya kanyang performance... Ngunit si Lauren ay halos maiyak na.. Hindi pa din kasi dumadating si Kirby. Habang palakad lakad siya sa pwesto ng kanilang section ay tinatawagan niya si Kirby. Kani-kanina lang ay nagriring pa ang phone nito, ngunit ngayon ay out of coverage na.
Sobrang nag-aalala siya dahil nung sabado pagtapos nila magpractice ay umalis agad ito, kahapon ay hindi nagpakita sa kanya ang kaibigan, ni hindi man lang siya tinext. Akala niya ngayong araw ay makikita niya ito ngunit pangatlong subject na ay wala pa rin ni anino ng binata, Sobrang nag-aalala na siya, alam niya kasing hinding hindi ito aabsent ngayon dahil alam ng kaibigan kung gaano kahalaga sa kanya ang performance. Kailangan ay wala silang mali, kailangan maging succesful ng sayaw nila dahil kung hindi ay pare-pareho silang babagsak sa naturang subject... Lalo na si Lauren na siyang naging leader nila dahil sa isang pangyayari noong huling lunes.
Kanina pa napansin ni Gab ang pagiging aligaga ni Lauren, nag-aalala na din siya dahil naluluha na ang dalaga. Gusto niya itong lapitan ngunit hindi pwede dahil nandun na ang kanilang teacher.
"Okay class! We'll start the program na. Ang unang magpeperform ay ang grupo nila Kat." Si Kat ay yung cheerleader ng school nila na kinaiinisan ng halos lahat ng kaklase nila Lauren dahil sa attitude nito.
Hindi makapag-focus si Lauren sa pinanunuod niyang performance sa harap, patuloy pa din niyang dina-dial ang number ng bestfriend kahit hanggang ngayon ay out of coverage pa din. Sobrang nag-aalala talaga siya kay Kirby, hindi dahil ikasisira ng performance nila dahil wala ito, kundi dahil alam niyang hindi siya kaya at hinding hindi niya binibigo ang dalaga sa lahat ng bagay.. Ngunit ngayon ay parang iba..
Nagpalakpakan na ang mga classmates niya, even the other section na nakapanuod dahil nasa open field nga sila.
Bumalik lang sa reality si Lauren ng makita sa harapan niya si Gab.. Nagsalita na ang teacher nila, pinapapunta na sa harap ang kanilang grupo ngunit wala pa din ang isang miyembro. Ang partner ng leader, ang bestfriend ni Lauren, ang akala niyang hindi siya bibiguin... "First time Sanchez." Kasunod nito ang pagpatak ng isang luha na mabilis naman niyang inalis, saka tinanggap ang nakalahad na kamay ni Gab.
Hindi alam ni Gab kung bakit bigla nalang siyang lumapit kay Lauren at nagboluntaryong maging partner ng dalaga. AY mali, alam pala niya. Sa sobrang pag-aalala, ayaw niyang makitang malungkot ito, ayaw niyang madisappoint ito. Alam niyang pinaghirapan ni Lauren ito, lagi kasi niya itong pinapanuod kapag nagpapractice sila, kapag magkasama naman sila pag vacant hour naman o kaya'y break time ay lagi itong seryoso sa paggawa ng steps, minsan nga ay hindi pa ay nakakalimutan na nitong kumain, kung hindi pa niya bilhan o hindi pa dalhan ni Kirby.
Para kay Gab, si Lauren ay isang baso na isang maling pagkakahawak lang ay maari na itong mahulog at mabasag. Hindi na maiibalik sa dati, at kung maibalik man ay mayroon na itong lamat.
Nasa indenial stage pa siya, ayaw niyang aminin sa sarili na unti unti na talaga siyang nafa-fall sa dalaga. Takot talaga siyang magmahal. Pilit niyang sinisiksik sa isip na isa lamang itong paghanga dahil sa kakaibang personalidad ng dalaga. Hindi maarte, masayahin, mahilig magbasketball na iba sa mga kakilala niyang ka-edad nilang mga babae, hindi din ito masyadong mahilig sa mga OA na girly stuffs kaya nga naisip niya na baka tomboy ang kaibigan.
Lauren is such a simple but sweet lady, She don't deserve to be hurt. Sa isip ni Gab, buti nalang ay medyo alam niya ang sayaw nila Lauren dahil sa laging panunuod sa dalaga.
Nagsimula na ang kanilang performance, sa una ay medyo ilang pa sa isa't isa si Ren at Gab, pero hindi pwede maging ganun sila hanggang dulo dahil ikasisira ito ng kanilang performance. Kaya naman sa bandang gitna ng sayaw ay mas naging comfortable sila sa isa't isa, hanggang sa nagawa nang tingnan ni Lauren si Gab sa mata. Isa sa pinakamahalaga sa pagsayaw ng by partner ay ang EYE CONTACT.
There's a sadness in her eyes, she feel so worry. Like anytime she's about to cry, but she kept on preventing it. Sa isip ni Gab habang nagsasayaw sila, pero pinili nalang niyang ngumiti.
Malapit nang matapos ang sayaw, ang last step nila ay yung ginagawa ng troublemaker sa huli sa performances nila. Ito yung parang magkikiss pero nakaharang yung mga palad nila sa kanilang bibig.
"Ito na yung last part. This was Kirby's suggestion. I was mad at him that time but then ayoko siyang mapahiya, madisappoint, ayoko mafeel niya na hindi siya importante sa grupo kaya pinakinggan ko pa din siya. But what did he do? Wala siya dito. He's unfair." Sobrang nakikinig si Gab sa mga sinasabi ni Lauren while they were dancing, kaya hindi siya naging prepared sa last step.. That's why by accident, he kissed Lauren infront of many people.
Sa una ay na-shock ang lahat, kahit sila ay na-shock sa nangyari. Ngunit matapos ang halos 5 minuto ay nakabawi naman ang lahat sa pagkagulat at nagpalakpakan. Naging maganda ang performance nila Lauren, lalo silang humanga dahil naging napaka-professional panuorin ng dalawa. Idagdag pa na alam ng lahat na hindi naman talaga si Gab ang partner nito, kaya sobrang humanga sila. At ang kilig factor sa dulo ng performance.
Natapos na din sa wakas ang performance. Sobrang saya ni Lauren dahil sila ang nanalo, naisalba niya ang grades ng grupo. Kahit na nahalikan siya ni Gab ay masaya pa din siya at hindi tumagal ang pagka-ilang sa binata dahil utang na loob niya ang lahat dito. Sobrang nagpapasalamat siya dito, na nagawa pa niyang yayain ito kahit sa isang pinakamalapit na convinience store sa eskwelahan.
Magkasabay silang naglalakad ng school ng makita nila sa malapit sa gate si Kirby. Lalong naging masaya si Lauren dahil sa wakas ay nakumpirma niyang okay naman ang matalik na kaibigan.
Sobrang kapansin-pansin ito kaya naman ang katabing binata ay masaya dahil kung kanina ay sobrang depressed si Lauren, ngayon naman ay masaya na ito. Idagdag pa dito na isa siya sa dahilan kung bakit naging masaya ito ngayong araw. Pinilit nalang niyang ngumiti ng makita si Kirby, pero sa totoo lang ay gusto na niya itong kumprontahin dahil sa ginawang pagpapakaba sa bestfriend ng huli.
"Sanchez." Bigkas ni Lauren, palapit na siya rito dahil gusto niyang yakapin ang bestfriend sa sobrang saya, relief, at pagka-miss. Pero naunahan na siya..
May nauna nang lumapit, yumakap at kumausap sa bestfriend.
Kaya naman siya ay nanatili nalang sa kinatatayuan at pinilit nalang ngumiti.
"Where have you been? I've been calling you so many times but you weren't answering your phone. I was really worried. AND HEY!! You were supposed to be with ate Lauren earlier at the dance performance, right? I watched them, and you're not her partner." Sunod sunod na sabi ni Yella.
"Yeah. I know. They looked good together nga eh. :) Especially on the kiss part. Great. Just great." Sagot ng binata sa kausap habang nakatingin kay Lauren.
Sa isang banda naman ay hindi makapaniwala si Lauren, nandoon ang bestfriend all these times. Nakita niya lahat.. Maski ang labis na pag-aalala ni Lauren sa kanya.
WTF is wrong with him? What are you, Sanchez? Sa isip ni Gab habang naka-closed fist. Sobrag napipikon na siya sa inaakto ng lalake.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]
Roman d'amourPaano mo nga ba malalaman kung siya na ang nakalaan para sayo? Paano mo nga ba mapagtatanto kung ito na ang tamanag panahon para sa inyo? Ikaw na ba talaga? Totoo na ba ito? Pero bago mo alamin kung siya na nga. Paano mo nga pala siya mahahanap? Dap...