3rd person's--
"And in the very first place, hindi naman ako magsusuot ng maiksi 'no!"
"Alam ko."
"Psh! Alam mo ikaw masyado kang prangka eh, kaya ka napagkakamalang suplado."
"Suplado naman talaga ko, sayo lang naman ako ganito."
One minute they're arguing, the other minute he's making her blush. Lauren doesn't really know what to react.
*KRIING*
"Pasok na ko." Kinuha na niya ang mga librong hiniram, kahit hirap na hirap siya ay pinilit niyang dalhin ito at ilalagay na muna niya sa locker niya. Medyo badtrip pa din ito dahil sa feeling niya talaga napahiya nanaman siya sa sarili at sa tapat ng taong mahal niya.
Binabagalan ni Lauren ang lakad sa pag-aakalang hahabulin siya ni Gab at sasabay papunta sa building nila, ngunit malapit na siya umakyat sa floor ng sections nila ay wala pa ding Gabriel na tumatapik sa kanya... Lumingon siya para tingnan kung nakasunod ba ito kaso pagtingin niya, sa di kalayuan...
"Hi Gab, pwede ka bang mag-guest sa gaganaping year end party ng section namin?" Sabi ng isang babae sa kanan ni Gabriel.
"G-gab p-pwede b-bang k-kuma... manta ka sa year end party ng section namin."Sabi naman ng nasa harap niya, sa isip isp ni Lauren ay baka napagutusan lang ang babaeng ito.
"Oy bulol, copy cat ka! Yan dapat sasabihin ko kay Gab eh! Shupi na nga!" Aalis na dapat yung babaeng nasa harap niya ng pigilan ito ni Gab. Ngumiti muna ito bago magsalita.
"Gusto ko sanang pumunta sa year end party niyo, kaya lang magpapaalam muna ako sa girlfriend ko ha?" Sabi ni Gab sa babae sa tapat niya.
"WHAT? GIRLFRIEND?!" Sigaw naman ng babaeng maarte na naka-tawag ng atensyon ng lahat ng estudyante sa paligid nila. Specifically, Gabriel's fangirls.
May mangilan-ngilan pang nagbubulungan na....
"Wow! Girlfriend na pala niya yung nagsabing para siyang si Adonis."
"Ang cute nila, ang swerte ni ate."
"Di sila bagay, lugi si Gab."
"Baka pinagbigyan niya lang yung girl."
BINABASA MO ANG
HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]
RomancePaano mo nga ba malalaman kung siya na ang nakalaan para sayo? Paano mo nga ba mapagtatanto kung ito na ang tamanag panahon para sa inyo? Ikaw na ba talaga? Totoo na ba ito? Pero bago mo alamin kung siya na nga. Paano mo nga pala siya mahahanap? Dap...