#32 Story Behind... Three Months Later...

229 4 6
                                    

3rd person's--

ONE YEAR AGO...

Ng gabing sabihin ni Kirby na makikitulog siya sa bahay nila Lauren ay nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa kaliwang bahagi ng dibdib niya... Meron din itong halong inggit.

Nasabi pa niya sa isip niya ng panahong iyon na, Paano kung ganoon na din kami katagal magkakilala? Magiging matalik na magkaibigan din kaya kami? Na walang ilangan sa isa't isa? Na walang malisya kung ang isa ay makikiligo o makikitulog sa bahay ng isa?

Hindi siya nagtagumpay na maitago ang pagka-inggit at selos niya ng gabing iyon, at bilang lalake din si Kirby ay pansin na pansin niya iyon. Hindi siya makatulog, hanggang sa mag-uumaga na at doon lang siya nakatulog. Late na nang pumasok siya pero patuloy pa din niyang iniisip ang mga WHAT IF's niya tungkol sa dalawa.  Ng araw na iyon ay nagpahatid nalang siya sa driver nila dahil alam niyang di siya makakapag-drive ng maayos.

Pinilit niyang maging okay kahit selos na selos siya kay Kirby. Pero lalong tumindi iyon ng makasalubong niya sa gate ang dalawa na sabay pumasok. Tila masaya ito sa mga napag-uusapan na medyo hindi pa siya agad agad napansin.

Tinawag siya ni Lauren pero huli na, sira na ang araw niya at wala na siya sa mood para kumausap sa kahit sino.

Nagpasya si Lauren na kausapin siya ng oras ng break time, ng malaman nitong nasa gym siya ay agad itong pumunta.

Alam niyang pupunta si Lauren doon para kausapin siya dahil tinext siya ng team mate niyang si Ace. Para daw wag na siyang umalis kung sakali man.

Pero di niya inexpect ang mangyayari... Nang makita ni Lauren si Kirby na naglalaro ay halatang halata sa kanya ang pag-aalala. 

"Anong meron? Dati pa naman siya naglalaro ah? Bakit ngayon parang allergic si Kirby sa bola para maging ganyan siya mag-alala?"

Naisip pa niya. Hindi talaga niya maintindihan. Pinupunasan niya pa si Kirby na parang batang hindi pwedeng matuyuan ng pawis. Pinapagalitan niya pa ito na parang nanay na bawala ang batang Kirby na lumabas ng bahay dahil tanghaling tapat.

Ang masakit pa! Parang invisible siya ngayon sa mga mata ni Lauren. Binalewala siya nito.

Umalis siya dahil hindi tulad ng dating selos na nararamdaman niya na nadagdagan kagabi at mas lalong lumala kanina umaga.... Ngayon ay nagagalit na siya.

Hindi kay Kirby, at hindi kay Lauren... Kundi sa sarili niya. Naisip niya all these times sobrang halata na rebound lang siya. Alam naman niya eh, na may gusto si Kirby sa bestfriend at may dating lihim na nararamdaman si Lauren dito. Pero di ngayon lang niya naisip iyon.

Lumipas ang isang linggo ng taong iyon na hindi na niya kinakausap si Lauren. Kung kailangang kailangan naman ay pinakikitunguhan niya ito ng malamig. Valedictorian siya at salutatorian naman ang tinaguriang school geek na si Lauren.

Pero yung isang linggo na iyon, pinagsisihan din niya agad.. Hindi niya kayang tiisin na hindi makausap si Lauren, namiss niya agad ito.

Kaya lang huli na... Dalawang araw bago sila grumaduate ay pumunta sa bahay nila ang mga magulang ng mama niya.

Sinabi nito na malapit na ma-bankrupt ang kompanya ng mama niya sa New York at kailangan niyang pumunta doon, madami siyang alam tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya kahit highschool pa lamang siya. Noong bata pa kasi siya ay hindi niya alam kung bakit laging wala ang papa niya, sabi ng mama niya ay dahil daw busy ito sa pagtatarabaho sa kompanya nito. At humantong pa ito sa hiwalayan, kaya naman nag-aral siya ng mabuti para magkaroon ng alam sa mga ganoong bagay.

Naisip niyang siguro naaayon ang lahat sa sitwasyon kaya hindi na niya kinontra iyon.

Pero mali... Hindi mo mapipilit na gawin ang ayaw mo naman talagang gawin. Oo nga't sigurong sumunod ka sa dapat, pero ni minsan hindi ka naman naging masaya sa pasya mo. Dahil wala doon ang nakakapagpasaya sayo... Dahil wala si Lauren sa tabi niya.

THREE MONTHS LATER...

Pag-uwi ni Gab galing eskwelahan nila Lauren ay sinalubong siya sa salas ng lola niya. She was about to hug him kaya lang ay umiwas siya. Ayaw niya dito dahil sakim ito. Yaman lang niya ang mahalaga sa kanya at hindi ang kasiyahan ng anak at mga apo niya.

Alam na niya ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang niya. Dahil hindi naman talaga nila mahal ang isa't isa. Nung oras na sinabi nga sa kanya iyon ay di niya pa matanggap, ngunit pagkalipas ng dalawang araw ay narealise niya na hindi kasalanan ng mama o papa niya ang nangyari sa kanila, kundi ang kanyang lolo't lola.

"Bukas na ang engagement party niyo ni Sofia. Magpahinga ka na para naman hindi ka mukhang haggard bukas."

"WHAAAAT?!! ANG BILIS NAMAN PO!"

"Why? Five months na kayo, it's time for you to get engage. Tomorro 5pm sa Fernwood Gardens, okay? Mauna na ko."

Naiwan siyang nakatayo doon at  'di alam ang gagawin. It can't be... Ang plano pa naman niya ay kausapin si Lauren, kumpiramhin ang relasyon nito sa bestfriend, at kung pwede pang magkaroon ng second chance sa kanilang dalawa.

"What to do... What to do.. What do.. AAAAHHHH!!!!!"

Sa sobrang frustration a napasigaw siya. Sa pagsigaw naman niyang iyon ay dali daling pumunta sa kanya ang mga magulang na kani-kanina lang ay nasa kusina.

"Anak? What happened?" Tanong ng papa niya.

"Where's your grandma, Gab?"

"Ma? Just this once, can you support me?"

"Of course, we will." Tanong ng papa niya.

"Padalhan niyo po ng invitation si Lauren... Lauren Guevarra."

"But why? I tdon't think that's a good idea." Tutol naman ng mama niya.

"Just.. Please? I want to make all things clear... Between us."

TO BE CONTINUED...

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon