After five years...
LAUREN's POV
Bukas na birthday ni Gab, gusto ko sana siyang surpresahin kaya lang nasa New York siya ngayon. Kinailangan kasi siya ng company ng mama niya three days ago. Bukas na din fourthd anniversary namin.
Pangalawang beses na 'tong hindi ko siya makakasama ng anniversary namin. Gaaaah~ I so miss him. :3
By the way, lahat kami ay graduates na.. Except Hael, nag-shift kasi siya and two years late siya sa college. Two years ago kasi ay may naka-discover ng drama skills niya sa Paris. Voila! Artista na ang gaga! XD Em so proud of her! :">
Ako naman ay nagtatrabaho na bilang pastry chef sa isang five star hotel sa Manila. Dream came true mga bhe! XD
Si Gab naman ay CEO na ng company ng papa niya. Minsan ay tumutulong din siya sa pagpapalago ng company ng mom niya at ni papa. Eh di ang baby ko na ang the best! Hihihi.. Pagbigyan niyo na ko. -_-
Speaking of them, annuled na sila ayear ago. Pero sila mama and papa pa din ang nagsasama, same with Gab's parents. Okay na daw sila sa ganung set up. Tsaka madalas naman sila mag-bonding.. Minsan out of the country pag may time, madalas out of town.
Nasabi ko na ba? Si tita Kara ang may-ari ng hotel kung saan ako nagtatrabaho. Four years ago ay naging stable na ang pagtira niya dito sa Pinas, simula din nun ay kinuha niya na ang bestfriend niya-which is my mother-bilang head chef.
Sino si tita Kara? Secreeeet! De joke. She is Kirby's mom.
8pm na. Pauwi na sana ko ng biglang tumawag si Kirby.
"Yow Beng!"
[Low? Den? Den.. Den.. Delenden~ Is it real? Is it real? Nasa New York si Captain? Awww! Cold nang anniv ng isa diyan! Hahaha. Belat!]
"Asar 'to! Second time na yun 'no, okay lang. Thanks for the concern, my bestfriend. TSS!"
[Wawa naman! Hahaha! Sino nagsabing concern ako? Hahaha! Kiddin']
"Hate you!"
[Kanta ng 2NE1.]
"I don't care."
[Kanta ng 2NE1.]
"UGLY!"
[Kanta ng 2NE1.]
"Aish! Bahala ka nga! Nasaang lupalop ka ba--" *Toot toot*
Bastusing bata as ever. =_= Ilalagay ko na sana ulit yung phone ko sa bulsa kaya lang biglang nag-ring ulit.
Tita Lei calling...
"Good evening tita."
[Can you come over here? Ako lang kasi mag-isa dito sa bahay. Dito ka na mag-dinner, dear.]
"Ah.. Sige po tita, papunta na po ako."
[SIge, ingat ka.]
Never akong tumanggi kapag ganitong nag-aaya si tita na pumunta ako sa kanila. I feel her. Sobrang nalulungkot talaga siya. Lahat naman siguro kami. It's been three days pero namimiss ko na si Gab, pero mas miss na miss ko na si Yella. Five years ko na siyang hindi nakakasama, o nakakausap man lang. :(
No one dares to talk about her simula ng mawala siya, nasanay na din kami dahil kay Kirby na yun ang nagiging dahilan ng depression. Pero hanggang ngayon kapag naaalala namin siya, parang kahapon lang lahat nangyari. Siguro kasi hindi pa namin matanggap ngayon, ayaw pa namin palayain yung memories namin sa kanya.
BINABASA MO ANG
HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]
Roman d'amourPaano mo nga ba malalaman kung siya na ang nakalaan para sayo? Paano mo nga ba mapagtatanto kung ito na ang tamanag panahon para sa inyo? Ikaw na ba talaga? Totoo na ba ito? Pero bago mo alamin kung siya na nga. Paano mo nga pala siya mahahanap? Dap...