#12 It's Now or NEVER

507 11 5
                                    

KIRBY's POV

Most men would rather deny a hard truth than face it.―at somewhere madilim with someone I imagine she was HER. Posted 1 minute ago.

Ngayon dinadaan ko naman sa FB. Leche! Ba't ba ko natutong ma-inlove? Potek! Eto na nga ba sinsabi ko eh! Iniwasan ko naman eh! Pero wala na, nahulog na. Taena this talaga! Napaka bakla na pakinggan pero.. Wala eh! Na-inlove ako sa bestfriend ko.

Pero MALI. Maling mali. Hindi ako para sa kanya. Alam kong nasaktan ko na siya dati, kahit mga bata pa kami noon at wala pang masyadong alam sa ASDFGHJKL@*^! LOVE na 'to! Ayaw kong dumating ulit yung point na masasaktan ko ulit siya.

T@ng@ Kirby! Eh kanina nga lang parang sinaktan ko na ulit siya eh. <//3 Pero para sa kanya naman yun eh. Jongina naman kasi! Bakit umabot sa ganitong bagay yung pagpapanggap niya sa crush niyang tomboy siya. Leche! Okay naman kami dati ah? Saya naman namin kahit kaming dalawa lang!

Pero okay na din 'to para hindi mahirap makapg-paalam sa kanya pag dumating yung ARAW NA YUN. Para masanay na agad siya na wala yung presence ko. Haha. Tama! Tama yung desisyon ko! Shet! Ang corny ko na! -______- Wala eh, nagmahal eh!

"Ang sakit naman nun, with someone you're imagining was HER. Aish! Kesa nagdadrama ka dyan at sa Fb. Ba't 'di mo kaya puntahan si ate Lauren? Ba't mo kasi ginawa yun? Wala naman yun sa plano diba?"

"TSS. Okay na din yun, edi mas mabilis magkadevelopan yung dalawa. Ayaw mo ba nun?"

"Hmmm. I smell somethin' fishy. And if I knew what kind of fish is that? It will be more exciting. Don't let me find THAT fish mister. ;)"

"Whatever. Dyan ka na nga."

"Hahaha. Love you too! Go and explain to her. It's now or nevaaah!"

Baliw everywhere. Powtek! Anong oras na ba? Nandun na kaya sa bahay nila si Denden? Kailan gan makapunta na agad ako dun! Wala pa naman dun si tita. :3

Pagdating ko sa bahay nila, exact 6pm..

"Anong oras na ha? Wala ka pa sa bahay niyo? Lalake pa kasama mo?"

"Pa?!"

Uh oh! Ba't nandito yan?

"You missed me my daughter? :) So who is that guy? Where's Kirby? Himala! You're not with him?"

"Busy po siya sa school kaya di ko siya kasama. By the way, he's Gabriel.. Gabriel Esguerra. Schoolmate ko po."

"Esguerra? Are you related to Gabby Esguerra?"

"Yes sir. He's my father."

"But he's not with you anymore."

"Pa? What are you saying?"

"How did you know sir?"

Oo. Alam kong galing sa broken family sila Gab. Naghiwalay yung parents niya nung pinagbubuntis ng mom niya si Yella, kaya nga Kim yung apelyido niya eh which is their mom's surname. Pero panong alam ni tito Dennis yun? Tsktsk. These are all wrong.

"I know everything. :) Hijo, ingat ka.... Get in  Lauren."

May something sa INGAT KA ni tito eh. Putspa! May haharang pa ata sa GabRen Loveteam. -_-

"Hindi pwede yun! Hindi pwede yun! Ugh! What to do Kirby!" Paulit ulit kong sinasabi sa hangin. Yeah! Habang pabalik balik na lakad dito sa tapat ng bahay nila Denden.

Kasi naman.. Feeling ko pahihiwalayin sila eh. Err! Wag naman sana! I need source! Kailangan malamangan ko si tito Dennis sa mga nalalaman niya. But how can I do it? Ugh! Nakakabaliw!

"Kirby?"

"T-tita? Hello po. He he he."

"Ba't di ka pumapasok? Kanina ka pa ba diyan? Wala pa ba si Lauren sa loob?"

"P-po? Ahh."

"Tara na. Magluluto ako ng favorite niyo ni Lauren... Beef steak! Ay teka, wala nga pala kayong favorite. Mga matatakaw na 'to!" Sunod sunod na sabi ni tita habang hila hila ako papasok ng bahay. Di na ko makareact. =_= Bahala alang siyang masurprise sa makikita niya sa loob. 

GOODBYE BEEF STEAK. T_T

"Dennis? What are you doing here?"

"I called you last night, right? Since si Lauren ay magco-college na. I think she can meet her future partner in life. Are you excited my daughter? :)" 

"Pero tito tinanong mo na po ba kung gusto ni Denden?"

"Ohh. You're here Kirby. :) You really thought you're part of this family, huh?"

"Simula nang iwan niyo tong pamilyang 'to.."

"Hahaha. Very tough guy. I like it. But hey, hindi ko sila iniwan.  Well then, I have to go. Seems like I'm not invited to your dinner. See you all this Saturday."

JONGINAAAAAAAAAAAAA! KUNG DATI NAGAWA NIYA KONG PIGILAN NA MAHALIN YUNG ANAK NIYA. PWES NGAYON, HINDI KO NA SIYA HAHAYAANG PIGILAN YUNG TAONG NAGMAMAHAL AT MINAMAHAL NG ANAK NIYA. NYEMAS SIYA! NAPAKA SELF CENTERED! TSAKA ANONG 'DI INIWAN? OO NGA! HINDI NATULOY YUNG DIVORCE NILA, PERO PARANG NAKIPAGHIWALAY NA DIN SIYA.... NA DAPAT LANG, 'DI SIYA DESERVE NI TITA LORAINE! >______<

Ay teka! Nagmamahalan na ba yung dalawa? Aish! DAPAT LANG! Sayang lang 'tong pagiging BH ko kung hindi! =_=

Ang tagal na katahimikan. Ugh! Awkward.. Gait ba si Lauren kay tita? Wala naman kasalanan si tita ha? Kawawa naman bespren ko :3 Bata pa siya para sa ganitong problema. Lol. Pero kawawa naman talaga bespren ko.

"Ma? It's okay. :) You'll help me naman diba, para 'di mangyari yung gusto ni papa?"

"Hindi ka galit sakin 'nak? Of course! I'll help you!"

"YEESSSS! Soooooooo, TULOY ANG BEEF STEAK! PARTEH! PARTEH! Luto ka na tita! Yieee~! Namiss ko po mga luto mo eh. :)" Sorry :( Nagugutom na talaga ako eh. Tsaka namiss ko talaga luto ni tita. :3

"Hahaha! Nakakatuwa ka talagang bata ka! Osya, magpahinga muna kayo diyan. Magluluto na ko."

"Denden?"

Powtek naman! Akala ko pa naman okay na kami. AIsh! =_= 

"I can explain Den."

"Go. Explain what did you do these days? Why aren't you answering the phone? Did you know how much I'm really worried cause I can't find you anywhere? And did you know how that stupid performance mean so much to me? Muntik na kong mapahiya Kirbs. Ang dami naming nasa alanganin that time, just because of you. Alam mo naman diba, kung gaano kaimportante sa atin yun? And the fact na nowhere to be found ka ng ilang araw? Bestfriend mo ko Kirby! Natural lang naman sakin na mag-alala. But what you acted earlier with Yella? It's like that I'm nothing to you!"

"You're nothing to me? All these years? Den! Sa lahat ng ginawa ko, you're nothing to me pa ba? Ilang litrong anesthesia ba iniinom mo, at ganyan ka kamanhid?!"

LESHE!! Pagkatapos ko lang talaga kumain ng beef steak ni tita, aalis na ko dito. Salamat naman kasi sa appreciation ng bestfriend ko. >______<

Kasalanan ko bang hindi makapunta sa kanila, makapagtext o tawag dahil pumunta kaming America ni mama. Sa tinagal tagal naming magkaibigan, alam naman niya tungkol sa problema ko sa punyetang katawan na 'to eh! Kasalanan ko bang hindi ko naiwasang magselos sa kanila ni Gab? Pinipigilan ko naman eh! Pero syempre hindi biglaan yun! Hindi naman ako aalis ng ganun na lang kung hindi ko alam na walang papalit sakin. Well, sorry pinag-alala ko siya. PERO NEVER SIYANG NAGING 'NOTHING' SAKIN. AMpness! =_=

TO BE CONTINUED...

[Please? Comment kayo. :"3 Gusto ko talaga malaman feedbacks niyo. Hihihi. Sorry po, demanding. :( :)]

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon