3rd person's--
Pumunta naman agad sila Lauren at Kirby sa bahay nila Gab.
Habang nasa byahe ay nagpapractice si Lauren kung anong sasabihin ka Gab. Kung saan siya magsisimula, kung anong unang gagawin niya.
Si Kirby naman ay natatawa tawa na sa kanya, para kasi siyang natataeng ewan na nagpapawis pa. Denden's back. I'm happy for her.
"We're here. Tara na Den."
"Kinakabahan ako Beng, paano kung galit siya sakin? Paano kung di na niya ko tanggapin?"
Imbis na sumagot si Kirby ay hinatak niya ang bestfriend papuntang garden. Tama nga ang mama nito, nandun si Gab na nakahiga sa damuhan habang nasa tabi nito ang carved pumpkin.
"Captain!"
Halatang nagulat si Gab kaya napatayo agad siya. Kitang kita sa mata niyang kakagaling lang nito sa pag-iyak.
Si Lauren na kaninang nagpapractice pa ay balewala lang din, sa halip ay pumunta siya palapit kay Gab at niyakap ito. Ito yung matagal na niyang gustong gawin, namiss niya ito... Sobra.
"Gab, namiss kita."
"Mas namiss kita.. But you're with Kirby anymore."
Napahiwalay naman sa yakap si Lauren dahil sa huling sinabi ni Gab.
"WHAT?!" Sabay na tanong ng dalawa.
Kinwento naman lahat ni Gab. Na umiwas siya noon kay Lauren dahil akala niya ay rebound siya, na naiinggit at nagseselos siya dito, na akala niya after one year ay itong dalawa ang nagkatuluyan.
Tawa naman ng tawa si Kirby habang nag-eexplain si Lauren kay Gab.
"Nung araw na yun na nakita ko kayo sa court, dapat talaga ay kakausapin kita. Ieexplain ko nga sayo lahat kung bakit ganun nalang ako ka- O.A pagdating sa mokong na yan. Kasi... Kasi.."
"Kasi may sakit ako sa puso. The day when I won the singing contest, the same day na sinugod ako sa ospital, yun din yung araw na nalaman ni Lauren na may sakit ako. SInce then, naging over protective na siya sakin. But Gab, promis me na hindi mo sasabihin kay Yella. I don't want her to worry. Masyado na kong madaming inaabala."
"Grabe.. Naitago niyo yan for over a year. Bobo ko talaga. Buti nalang di ako namatay. Kasi kung oo, namatay akong tanga. I feel guilty, pre pasensya na. Sa lahat ng tulong mo sakin, ganun pa. G@go ko talaga!"
"Kaya nga do everything to win her back. Ngayon, kailangan mo na talaga lumusot sa karayom bago makuha ang matamis niyang 'oo'. Hahaha."
"Sure, I'll do everything. Ren? Can I court you?.... again?"
"Ayokong mabigyan ng zombie ng utak kaya... yes."
"SA WAKAS!!! LIBTSTA! WOOOOO!" Sigaw ni Kirby sa sobrang tuwa. Ang dalawa naman ay tumingin sa kanya ng may pagtataka.
"LIB--WHAT?!" Sabay nitong sabi.
"Hahaha. The valedictorian and the salutatorian... Haaays! Di niyo alam ang LIBTSTA?! Ghad!"
"Wala naman yan sa libro! Sarili mong word yan eh! Pasaway to!" Baling sa kanya ng bestfriend.
"LIBTSTA is Love.. Is.. Better.. The second time.. Around. Haays. Okay na, pwede na kong pumunta ng Heaven, hinihintay na ko ng soulmate ko dun. Hahaha."
BINABASA MO ANG
HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]
Storie d'amorePaano mo nga ba malalaman kung siya na ang nakalaan para sayo? Paano mo nga ba mapagtatanto kung ito na ang tamanag panahon para sa inyo? Ikaw na ba talaga? Totoo na ba ito? Pero bago mo alamin kung siya na nga. Paano mo nga pala siya mahahanap? Dap...