#15 Meet Leah Andrino

433 8 8
                                    

3rd person's--

Monday. Antok na antok na pumasok si Lauren sa eskwelahan na hindi na niya napansin si Kirby na nasa tapat ng gate.

"DENDEN!!" Nagising lang siya ng may sumigaw sa mismong tenga niya. Ang loko lokong bestfriend.

"AY TOKWANG RIEL KIM!! UGH! KIRBENG NAMAN EH!!"

"Hahaha! Pahamak talaga yang bibig mo Den! WAIT! Did. You. Say.. Riel Kim? You know him?"

"Nakaka-chat ko siya." Patuloy nilang kwentuhan habang naglalakad papunta sa kanilang classroom.

"Hi Kirby." Bati ni Kat with her puppy eyes pagpasok ng mag-bestfriends sa kanilang room, ang cheerleader ng school nila SLASH kinaiinisang classmate ni Lauren SLASH crush na crush si John Kirby Sanchez.

Tinapunan lang siya ng tingin ni Kirby at bumaling na ulit kay Lauren.

"Chat lang?" Tanong niya. Sasagot na sana si Lauren ng biglang nagsalita ulit si Kat.

"Bitch Lauren. Sino ba talaga ha? Si Kirby o si Gabriel? At talagang magkaibigan pa?"

Hindi alam ng dalawa at ng iba nilang kaklase ang irereact kaya naman ang bagong pasok sa classroom na babae ang nagsalita.

"Hoy babae! Bago mo sabihang bitch si Denden, magpaka-anghel ka muna ha."

"At sino ka naman ha?"

"I'm Leah Andrino. :) Friend ng sinasabihan mo ng bitch."

"Hey Kat! Siya yung amateur model sa New York na sumisikat na ngayon. Remember yung ginaya mo yung hairstyle niya sa isang magazine na tinitingnan mo last time na pumunta tayo sa salon. A.K.A HAEL." Pag-eexplain sa kanya ng isa nilang classmate.

"Thanks girl. You explained well." Leah to the girl.

"Uggh! This is so Uggh!" Sabay walk out ni Kat.

"Kala niya ang ganda niya? Lalo na yung pag u-ugh niya? Pssh! That UGH GIRL. By the way, who still remember me?" Tanong ni Leah sa dalawang kaibigan habang tinatry pang magpacute.

"Kahit 'di mo na gawin yan, cute ka na. Tsaka kami pa ba Hael? Kami pa ba makakalimot sayo?" Sabi ni Lauren sa kaibigan habang niyayakap ito. At nung magkalas na sila...

"How about you Kirby?"

"Tigilan mo ang pagtawag kay Denden ng Denden, tsaka kita mamimiss."

"Hahaha. You crap! 'Di ka pa din ba nakaka-move on kay Lauren? Hahaha! How pity of you."

"Don't engrish me, I'm hungry!"

Natutuwa si Lauren sa pag-aasaran ng nasa harap niya. Para sa kanya, bagay na bagay itong dalawa kaya lang mukhang diring diri talaga sila sa isa't isa.

Natutuwa din siya dahil ngayon hindi na siya apektado kapag ganyan ang inaasar ni Leah kay Kirby. Hindi tulad dati na isang malaking puzzle lagi ang sinasabing ito ng kaibigan. Dahil baka nga nagkagusto sa kanya ito, at natotorpe lang. Minsan na nga niyang inisip dati na magtapat kaya lang napatunayan niyang wala naman talagang gusto ang bestfriend sa kanya dahil may ipinakilala ito sa kanya na gusto nitong maging girlfriend.

Siguro nga isang paghanga lang talaga iyon dahil simula ng makilala niya si Gabriel ay nabaling na lahat dito ang kanyang atensyon. At ngayon masasabi niyang mas matinding paghanga ang nararamdaman niya para kay Gabriel. Ngunit kailangan niya na din itigil iyon dahil may girlfriend na ito at ayaw niyang masaktan kapag lumala ang nararamdaman niya.

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon