3rd person's--
4pm na. Pauwi na sana si Lauren ng maalala niyang may ibibigay pala sa kanya si Gab. Kaya naman pumunta siya sa court, para din makasabay niya sa pag-uwi ang bestfriend, hindi na din kasi sila madalas nagsasabay umuwi dahil bigla itong nawawala.
Pagkapasok niya sa school gym nila ay nakita niya agad ang varsity ng school nila, busy sa paglalaro. May mangilan-ngilan ding nakaupo sa bleachers, yung iba nanunuod, may nagchi-cheer na akala mo nasa totoong laro na sila, at nandito din ang iba't ibang fangirls nila na may kanya kanyang camerang dala.
Umupo siya sa isa sa mga bleachers habang hinihintay na matapos ang laro. Ng mapansin naman siya ni Gab ay agad nitong pinatigil ang laro.
"Practice dismiss! Bukas ulit!"
Sinundan naman ng team niya kung saan siya nakatingin, at nalaman na si Lauren pala ang tinitingnan nito...
"WOOOOOOOH! KAYA PALA EH!"
"NENDYENSEFEGEVEG!"
"SALAMAT LAUREEEEN!"
"BUTI NALANG TALAGA!!"
"AKALA KO DITO NA TAYO MATUTULOG EH!"
"YOU SAVE OUR LIVES DENDEN!"
Sabay sabay na sigaw ng team habang naglalakad papasok sa lockers nila. Ngumiti nalang si Lauren kahit naguguluhan siya sa mga sinisigaw ng players.
Si Gab naman ay tumakbo sa locker room nila at agad din bumalik papunta sa kanya. May binigaw siyang jar.
"FIREFLIES?!" Sobrang natutuwa si Lauren sa hawak hawak niya. Gustong gusto niya talaga ang fireflies dahil ang ganda ng mga ito panuorin lalo na sa gabi. Favorite nga niya ang kanta ng Owl City na Fireflies eh, pero nalulungkot siya pag napapakinggan yun dahil about yun sa fireflies na nauubos na dahil sa global warming. "But you shouldn't catch them and put them on a jar."
"Do you really think it's a real firefly? Man made lang yan. I know na magagalit ka kung magpapahanap talaga ako ng real ones then ikukulong sa jar. But I will show you the real fireflies, just wait."
Gustong tumili ni Lauren sa sobrang kilig. Yung simpleng binigyan lang naman siya ni Gab ng garampon, yung mga sinabi ni Gab sa kanya. It mean so much for her.
"Pinahanap mo talaga? You know that I love fireflies?"
"Busy kasi ako kaya nagpahanap nalang ako. Yeah.. And I'm hoping that you'll love me like the way you love them." Gab just mumbled it kaya 'di narinig ni Lauren.
"Are you sayin' something?" Hindi kasi naintindihan ng maayos ni Lauren ang sinabi ng binata. Pero sure siya na may sinabi itong LOVE.
"Ah.. Ano kasi--*CLICK!*"
Parehas silang napatingin sa pinanggalingan ng sound ng camera.
"Ugggh! Why you so tanga Hannah! You're so uuuuggh talaga!" Singhal ni Kate sa kasama. "And you Lauren! So ngayon si Gab naman? Wait 'till I post it to facebook, IG and Twitter. You're gonna dead meat."
"You'll post it? Okay, mas matutulungan mo ako pag ginawa mo yan." Cool na cool na sabi ni Gab. Pero sa totoo lang ay natetense siya. Pagdating talaga kay Lauren gusto niya maging perfect lahat ng ginagawa niya kahit na nanghihina siya sa tuwing malapit ito sa kanya. TORPE INDEED!
"Matutulungan saan?" Baling sa kanya ni Lauren. Gabriel for her is really a puzzle.
"Uwi na tayo." Di niya alam kung saan galing si Yella at Kirby. In a blink of an eye kinikilig pa siya, another blink of an eye nandito na ang totoong mahal ng crush niya at niyayaya na siyang umuwi. BADVIBES EVERYWHERE! Sa isip isp ni Lauren.
BINABASA MO ANG
HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]
RomancePaano mo nga ba malalaman kung siya na ang nakalaan para sayo? Paano mo nga ba mapagtatanto kung ito na ang tamanag panahon para sa inyo? Ikaw na ba talaga? Totoo na ba ito? Pero bago mo alamin kung siya na nga. Paano mo nga pala siya mahahanap? Dap...