#36 Epilogue

393 7 14
                                    

LAUREN's POV

Sabi nila 'Everything happens for a reason..' Kaya kung nasaktan ka noon, ibig sabihin ay sasaya ka sa tamang panahon. Lahat ng nangyayari satin may dahilan. Lahat nakakaramdam ng saya, ganun din ng lungkot. Kaya walang taong maswerte o malas. Dahil ang totoong swerte, ni minsan hindi nakaramdam ng pighati sa buhay. At ang totoong tao, laging may pagdadaanang pagsubok sa buhay.

Pero sabi nila lahat muna ng sakit, lungkot, galit, panghihinayang ay mararamdaman mo.... And at the end of the day, doon dadating yung taong nagparanas sayo lahat ng pakiramdam sa puso para gamutin. Diba nga may quote na 'What makes you the happiest, will also make you the loneliest.'

Sino ba yun? Yung taong ganun sakin? Ah! Si Esguerra. Una ko siyang na-meet nung 1st day of school namin sa highschool. I was a bully prone person back then, at yung mga kaklase ko nung elementary, trip na trip ako nung araw na yun. Di ko na matandaan kung anong ginawa nila sakin nun, basta nadapa ata ako. And there's this guy na tinulungan ako. Nung panahong yun, di ko pa siya kilala. Pero I knew right in my heart, na siya na... Siya na ang tutulong sakin sa page-emo ko noon sa bestfriend ko, siya na magiging inspirasyon ko sa lahat ng bagay, siya na makakapagpangiti sa bawat araw ko.... Siya na ang forever ko... Forever ko sa panaginip. Totoo pala yung SOULMATE na 'Kapag nakita niyo na ang isa't isa, kahit anong mangyari siya na talaga, at never niyo nang pakakawalan ang isa't isa.'

Never ko talaga inexpet na magiging magkaibigan kami, and more than that. Satisfied na kasi ako na lagi siyang pinapanuod habang naglalaro or kahit ano pang ginagawa niya. Satisfied na ko sa mga pictures niya noon na nakikita ko sa fanpage niya kasi walang nakakaalam ng facebook niya.... Scratch that, alam ko na... Alam ko pala before, friend ko na nga siya eh.

RIEL KIM, that was his name sa FB. He likes my posts, my pictures, and so on. He even chat with me. Hahaha! Ang swerte pala talaga ng crush life ko dati. Kinikilig nanaman ako. Hihihi. Kaya pala si Sakuragi yung profile picture niya, kaya pala GE cam yung cover photo niya. Natatandaan ko sabi ko pa dati, GE stands for Gabriel Esguerra. Haha. un pala siya pala talaga yun. Pero yung mga pictures doon na babae sa iba't ibang places, hindi ko pa din alam kung sino. It's been five years pero nawala na talaga sa isip kong itanong kung sino yun eh. Black and white kasi tapos blurred pa. Grabe! Tagal na pala, ang tagal na pala ng love story namin. Including yung four years na pagi-stalk ko sa kanya SLASH crush niya na din pala ko noon, Eight years?  WOW.

Sino ba naman hindi pa mag-aakalang forever na 'to diba? ECHOS! Hahaha. But I also thought we're forever... I was wrong.

ONE WEEK AFTER niya itanong kung ready na daw ba ko maging wife niya, hindi na siya nagparamdam sakin. Hindi ko alam kung bakit, walang nakakaalam. Dahil sa maliit nga ang mundo namin, ay nagkakasalubong kami sa subdvisio nami minsan, o kaya pag nagkakasabay kami ng punta sa company ni papa, o pag iniimbitahan ako ni tita Lei.

But I was too afraid of what he may answer me, if ever tanungin ko siya kung bakit ang cold niya.... No. Kung bakit biglang nawala.

Ngayon ay nasa clubhouse ako with Kirbeng. Wala lang, magsasama ng sobrang sama ng loob.

"I know, we're not oficially engaged.. Kasi wala pang ring. But the love he gave me, pwede ko naman panghawakan yun diba beng?"

"Baka may iba na Den? Model? Partner in business?"

"Paker! Ang straight to the point naman!"

"Hahaha! Joke lang! Baka naman nahihiya lang, kasi di mo inaapproach."

"Hindi ah. Imposible. Haaays. Kanina nakita ko siya sa tapat ng simbahan, Si ginagawang store dun? May kausap siyang babae. Ang ganda, ang sexy."

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon