#22 The Emotional Kirby And The Epic Gabriel :3

299 5 8
                                    

3rd person's--

Saktong alas dose ng tanghali ng dalhin nila si Kirby sa ospital, halos isang oras din siyang knasa ER. Ng oras namang iyon ay hindi na mapakali si Lauren, tinawagan na din niya ang mama ng bestfriend para ipaalam ang nangyare. Si Gab naman ay tinawagan ang mama ni Lauren para sabihing nasa ospital sila.

At hanggang ngayong als-syete ng gabi ay wala pa din itong malay. Nasa isang private room sila Hael, Yella, Gab at Lauren na kasalukuyang pimagsasabihan ang bnestfriend kahit alam naman niyang natutulog ito.

"Ikaw naman kasi eh! Madalas ka na palang nahihimatay at kinakapos ng hininga, 'di ka pa din tumigil diyan sa pagbabasketball!" Sabi niya habang umiiyak at hawak ang kamay ng lalake. "Okay lang naman kung tumigil ka eh! Ang tigas naman kasi ng ulo mo Kirbeng eh! Kung yun pa din dahilan mo, okay na. Okay na! Basta wag lang lumala yang sakit mo, itigil mo na! Ano ba nangyare satin 'Beng?! Okay naman tayo dati ha? Dapat kasi di mo na ginawa lahat ng 'yon! Ayan tuloy kung ano pa nangyare sayo!" Pagsigaw niya pa.

Matalino si gab kaya alam niya kung ano ang sinasabi ni Lauren. Na pumasok lang ng varsity si Kirby para maging tulay nilang dalawa, na kung di niya ginawa lahat ng bagay para sa kanila ay hindi ito mapapahamak. Nasaktan siya ng marinig lahat ng 'yon kaya naman lumabas muna siya ng kwarto ng walang paalam. Na kay Kirby lang ang atensyon ni Lauren kaya si Hael at Yella lang ang nakapansin ng paglabas niya.

"Kailangan ko pa bang ituloy 'to? Should I go to the nwxt level? Or I will just quit para wala nang masaktan? Ren? Bakit naman ganun? Nakita ko naman na masaya ka sa lahat ng nangyare satin, pero bakit parang sobrang pinagsisisihan mo na ngayon? Hindi mo ba alam na nandun lang din ako sa kwarto?" Bulong niya sa kawalan habang nakatayo sa may rooftop ng ospital.

"Magpapakaduwag ka na lang din ba?" Nagulat naman siya ng biglang magsalita sa galing sa likod niya si Hael. Sinindan pala siya ng kaibigan.

"Pagkaduwag ba tawag dun? Hindi ba pagpaparaya?"

"Kirby once did that.... To the same girl. And now he's suffering. If only he took all the chances before. If only he admit to himself that he loves Lauren. Kung di sana siya nagpatalo sa thought na baka magbeak sila. And now, what's happening? Worse, right? That's the reason he told himself that he doesn't deserve Lauren's love." Tumabi naman sa kanya si Hael at binigyan siya ng isang beer in can.

"What now?" Tanong ni Gab habang binubuksan ang beer.

"Akala niya matapang ka. Akala niya 'di ka tulad niya na mas pipiliin ang takot kesa sa pagmamahal. You want me to help you?"

"Help? Saan?"

"I'll tell Kirby na mas duwag ka pa sa kanya. Aya na si Lauren oh, konting konti nalang maabot mo na pero iiwan mo bigla?"

"No way!" Sabay lagok ng beer.

"Then don't do what Kirby did before. At naisip mo ba na sayang lahat ng pinagpaguran ni Kirby kung magpapakaduwag ka?"

SAMANTALA. Iyak pa din ng iyak si Lauren habnag nakaubob sa gilid ng kama ni Kirby ng magising ito. Nagtaka siya kung bakit umiiyak ang kaibigan.

"Puting kapaligiran. Maliwanag na sinag ng araw. Bestfriend kong umiiyak. What the fudge! AM I DEAD???!"

"EPIC! Praning ka din 'no baby boy?!"

"So buhay pa ko?"

"Malamang! Nahimatay ka lang! Di ka nabundol! Tss. Ate Lauren naiirita ako sa kaibigan mo, labas muna ako." May isang patak ng luha ang nahulog sa mata ni Yella na mabilis naman niyang inalis at tuluyan nang lumabas.

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon