3rd person's--
"Kumuha ka ng tissue."
Pagkapasok na pagkapasok ni Hael sa kwarto ay inutusan agad siya ni Kirby na nanunuod ng TV. Kumuha naman siya sa may CR ng tissue at agad itong inabot kay Kirby.
"Kuha ka ng isang ply, write my whole name there."
Naguguluhan man si Hael ay sinunod na din niya si Kirby na may cold aura ngayon. She's known for having a strong personality, pero bakit natatakot siya ngayon sa way ng pagsasalita ng kaharap?
Sinunod niya lang ang mga pinagawa ng kaibigan sa tissue hanngang sa matapos sila at kinuha ni Kirby ang tissue.
"It's a circle. Hahaha. Do you belive in soulmates?"
"H-ha? Ano konek ng soulmates sa tissue?" Naguguluhan na talaga si Hael kay Kirby, naiisip nga niya na baka naghahalucinate ito dala ng may sakit ito ngayon.
"Kasi ibig sabihin ng circle na 'to ay... Soulmate tayo. I really don't believe here. The first and second time I made this, PALPAK! Pero sayo? Ha! It's perfect."
"Ayaw mo ba sa result ng tissue?"
"Hindi naman sa ayaw. But... I don't know. I mean, kay Lauren di tumugma. Soulmate na dapat kaya lang may iba na siyang mahal. Kay Yella kung saan nagsisimula na kong magustuhan siya, hindi din tugma kasi may magiging problema... Na alam ko na kung ano... It's my sickness, mawawala na din kasi ako anytime kaya di din kami magiging masaya. And now, you? Haha. sayo tumugma? How come? Eh halos isumpa na nga natin ang isa't-isa, ni hindi ko nga nasama pangalan mo sa listahan ng mga pwede ko maging soulmate. You're negative, and I'm positive. Hahaha! Di talaga totoo to!"
That hit something. Sa sobrang lakas ng impact sa pagkakabato sa puso niya, sumakit masyado.
"Well, opposite attracts. Ano bang sakit mo?"
"Let's not talk about it. Let's discuss about 3 kinds of soulmates."
"O-okay."
"No. 1 is yung soulmates na never magtatagpo, kasi kahit sila ang para sa isa't-isa, may mangangailangan naman sa kanilang iba."
"Meron ba 'non?"
"Sila yung mga taong kuntento na malaman na may soulmate sila pero alam nilang magiging mas fulfilled sila pag sa iba sila sumama. Siguro si Gab and Lauren talaga ang soulmate kaya lang kakailanganin ko si Lauren sa natitirang mga araw ko kaya sakin siya sasama."
"Well, back off! Hindi na ko naniniwala diyan sa soulmate na yan ung ganyan gagawin ni Lauren someday, kasi nung una pa lang pwede na maging kayo, but you choose Gab to be with her."
"Hahaha!" *Cough cough* "Di ko din naman siya papipiliin. Di naman ako tanga na gagawin lahat ng 'yon na umabot pa sa point na lumala sakit ko tapos biglang sisirain ko din yung love story nila? Hahaha!"
"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo."
"Why are you like that." Lumapit pa si Kirby sa mukha ni Hael at pinalalim ang boses nito. "Kasi gusto mo tayo magkatuluyan?"
Napalayo naman agad si Hael sa ginawa ni Kirby, panandaliang nakaramdam ng kakaibang init si Hael pero agad din niya itong naalis.
"Baliw ka talaga!"
Umayos naman ulit ng pagkakahiga si Kirby habang natatawa tawa pa din sa naging reaksyon ni Hael.
"No. 2 kind of soulmates na unang beses pa lang silang nagkita, alam na nilang sila talaga para sa isa't isa at di na nila pinakawalan ang isa't isa forever."
BINABASA MO ANG
HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]
RomansaPaano mo nga ba malalaman kung siya na ang nakalaan para sayo? Paano mo nga ba mapagtatanto kung ito na ang tamanag panahon para sa inyo? Ikaw na ba talaga? Totoo na ba ito? Pero bago mo alamin kung siya na nga. Paano mo nga pala siya mahahanap? Dap...