#31 LAUREN'S POV

198 3 2
                                    

ISANG TAON na ang lumipas pero para sakin ay kahapon lang nangyari ang LAHAT LAHAT.

Ang huling yakap ko kay Gabriel.

Ang huling pag-uusap namin.

Ang huling pagkikita namin.

Ang huling araw na ngumiti ako ng totoo.

Ang huling araw na masaya ako.

Aminado ako na namimiss ko na ang dating ako.

Namimiss ko na ang dating ginagawa ko.

Namimiss ko nang tumawa, ngumiti, humalakhak... Magmahal... Ng totoo.

I've never been this lonely, dati naman kahit hindi ako kilala ni Gab ay masaya pa din ako. Pero bakit ngayon? It's been a year but it's all fresh to me.

Everytime na nag-iisa ako, kahit ayoko ay hindi ko maiwasang isipin siya. Isipin yung dating ako, dating kami.

Ano na nga ba nangyari?

Ano bang nagawa ko?

Bakit bigla kang lumayo?

Wala na ba talaga Gab? Kasi umaasa pa din ako...

Aasa ako hangga't hindi ikaw mismo ang magsabi na wala na kong puwang sa puso mo.

"Gabriel? Miss na miss na kita."

Araw-araw ganyan ang tangi kong sinasabi sa tuwing tumatambay ako sa FANPAGE niya.

Bumalik nanaman kami sa dati. Yung dati na nasa taas siya, ako nasa baba.

Yung dati na sa fanpage niya lang ako nagiging updated dahil wala naman akong pagkakataon na makausap siya.

Bumalik lang naman kami sa dati ha? Pero bakit ngayon ang sakit sakit? Dati naman hindi ah? Pero bakit ngayon parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko?

Masakit makita, mapanuod, marinig na yung taong mahal mo ay masaya na kahit wala ka sa tabi niya. Na nalilink siya sa iba. Na okay na ang buhay niya kahit wala ka.

Unfair! Dapat ako din diba?

Tuwing nakikita ko mga pictures niya, lalo na pag may kasamang iba. Parang gumagamit ako ng basong nabasag na at pinilit pa rin ayusin pero may lamat na, may sira na, masakit na pag hinawakan.

Hindi naman kasi talaga naibalik sa dati. Pinilit lang ibalik sa dating ayos, pero ang totoo masakit kapag hinahawakan.

Ba't di mo kasi ipaliwanag sakin Gab? Nandito ka na ulit, nagkita nanaman tayo, mas lalong nanariwa sakin ang nakaraan.

Sabihin mo ang oras, lugar, at anong araw. Pupunta ako, makikinig ako, makikipagusap ako, kahit anong rason ay tatanggapin ko... Basta bumalik ka lang.

Pero huli na ata? Bumalik ka dahil may engagement party kang dadaluhan at dito ka na ulit mag-aaral.

Nagulat ako ng makarating sakin ang balitang iyon.

Natatawa pa nga ako eh. Madaya 'tong dalawang 'to! Di man lang sinabi sakin na engaged na sila.

EEEENG! Mali! 'Di pala si Yella at Kirby. Akala ko kasi talaga sila.

Si Gab pala... At di ko kilala ang babae. Sabi ni Yella ay model din daw ito sa New York at doon sila nagkakilala.

Pero wag daw akong mag-alala dahil sabi pa ulit ni Yella at Hael ay pinagkasundo lang sila ng Lolo't lola nila Gab.

Ang sabi pa ay deal daw iyon na kapag pumayag siyang ma-engage dito ay papayagan na siyang umuwi ng Pilipinas.

Nasabi pa nga ni Yella na, "Oh diba ate? Para makita ka niya, kahit ayaw niya ay pumayag siya."

Medyo nagkaroon ako ng pg-asa ng sinabi niya yun pero may prt na ang sakit sakit. Oo nga't nagkita kami pero wala na, tapos na, the end na... Di na kasi pwede ng part 2, bawal na... Para saan pa? Dinagdagan niya lang yung sakit.

Eto na ba yun Gab? Other way of saying na TAPOS NA. HINDI NA TALAGA AKO.

Akala ko ba matalino ka? Eh kung totoo nga ang sinabi ni Yella, eh bakit ka pumayag na ma-engage ka? Ibig sabihin hindi totoo yun. Na bumalik ka para sakin. Ang assumera ko talaga as ever.

Siguro nga wala na...

TO BE CONTINUED...

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon