#32 GABRIEL'S POV

217 5 10
                                    

ONE YEAR AGO, nagdesisyon ako. Isang desisyon na inaamin kong napakalaking katangahan. Isang desisyon na pinagsisisihan ko.

Sabi nila matalino daw ako, walang mahirap para sakin, lahat kaya kong gawin, lahat kaya kong sagutin.

Pero bakit ganito? Akala ko ba matalino ako? Sa ginawa kong to, di ko na din kilala kung sino talaga ko.

Hindi ko alam kung ba't naging ganito. Di ko alam kung paano ipaliwanag. Ang alam ko lang at sigurado ako sa puso ko na mahal ko pa din siya.

Siya lang naman talaga. Di nagbago, hindi nawala.

NG GABING IYON, napagdesisyunan ko nang lumayo. Naisip ko kasi na sa lahat ng nangyari, panakip butas lang pala ako. Hindi pala talaga ako. Siya parin pala. Rebound lang ako.

Kahit magkasama kami, basta kailangan siya nito ay di siya nagdadalawang isip na unahin ito. Kahit ako ang nasa tabi niya, siya parin ang iniisip niya.

Masakit, lalo na ng marealise kong hindi talaga ako.

Eh kasalanan naman niya lahat 'to eh! Kung hindi siya naging duwag dati, kung pinagtapat niya na nararamdaman niya kay Ren edi sana hindi na ko naging rebound.

Pero tanga ko din eh... Anong kabobohan ang ginawa ko one year ago na iniwasan ko si Ren, umalis ako papuntang New York, pagbalik ko ma-e-engage na ko.

Ngayong araw nakita ko na ulit siya.

Sobrang miss na miss ko na siya.

At this moment, I swear! I just want to hug her.

I want to make things out.

I want to make it all right. I have to, I need to...

Kasi kung hindi pa ngayon, hindi ko na talaga alam..

Sinundo niya si Hael... Ay mali, kasama si Kirby. It's like they look better together.

Huli na ba ko?

Okay na ba sila?

Naisip ko pa na siguro kung hindi ako dumating at umalis sa buhay nila ay hindi nila marerealise ang dapat mangyari sa kanilang dalawa.

Nice one Gab! Ang laking tulong mo sa love story nila. Wag ka na manggulo at gawin mo nalang ang dapat para sa ikabubuti ng pamilya mo.

Wala na nga siguro...

Pero hindi ako titigil. Hangga't hindi ko nakukumpirma.

Araw-araw kahit hindi na kami schoolmates ay palihim akong pumupunta sa school nila.

Three weeks na nang magsimula ang klase, ganun lang lagi ang ginagawa ko pag wala o tapos na ang klase ko.

Napagalaman kong nangyayari ulit kay Ren ang nangyari sa amin dati. Pero ngayon ay dahil kay Kirby na. Jinujudge nanaman siya ng mga kababaihan.

Gusto ko siyang ipaglaban pero wala akong magawa. Pinili ko ito. Hindi na dapat ako manggulo. Hindi na dapat ako umepal pa ulit.

Ayan ang rason kung bakit lumayo na ko at pumayag na pumunta na ng New York.

Pagdating ko doon, pinilit ko talagang alisin siya sa isip ko. Alam kong naguusap usap pa din sila nila Hael pero hangga't maari ay lumalayo ako para hindi ko marealise na nandun na din ako nakatapat sa harap ng monitor at kinakamusta siya.

Pero di ko pala talaga kaya... Kaya isang araw nagtanong na ko. Kela Hael at Yella kung kamusta na ba si Ren. Pero hindi nila ko binibigyan ng matinong sagot.

Minsan pa kong hinamon ni Hael.

"Alam kong mahal mo siya, at alam mong mahal ka niya. Pero anong ginagawa mo? Hindi lang sarili mo ang sinasaktan mo, si Ren din. Pati kami nasasaktan sa nangyayari sa inyo! Ano ba dahilan Gab?! Alam kong matalino at matapang ka para hindi gawin ang dapat at gusto mo. Imposibleng ang rason mo lang ay ang panggigipit ng grandparents mo, alam kong may iba pa at may kinalaman si Lauren diyan. Ba't ayaw mong sabihin samin? Nasan na yung straight to the point na Gabriel Esguerra?!"

Siguro nga hindi talaga ako matalino at matapang. Walang wala talaga ako kay Kirby.

Ang duwag ko kasi hindi ko masabi sa kanila na rebound lang talaga ako kaya pinili kong lumayo na. It's all about ego. How sht of this!

Ang bobo ko dahil noon ay mas pinili ko ang pride ko kesa sa pagmamahal ko.

Ang tanga ko dahil pinabayaan ko ang iba na kumontrol sa buhay ko.

Eto nga siguro talaga ang gusto ng tadhana. Wala na ata talaga akong magagawa.

TO BE CONTINUED...

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon