#30 KIRBY's POV

209 5 5
                                    

Kirby's POV

Lumipas ang mga araw na hindi kinakausap ni Gab si Denden. Saksi ako doon dahil lagi akong nasa malapit ni Denden.

Nagtataka na kami ni Yella kung bakit bigla nalang siya naging cold. Oo, suplado at hindi palangiti si Captain pero nagbago yun nang maging close sila ni Denden. Pero anong nangyayari ngayon?

Bumalik siya sa dati. Ay hindi! Doble pa sa dati ang ugali niya ngayon.

Hindi talaga namin siya maintindihan.

Dalawang araw nalang at ga-graduate na kami. Si Gab ang valedectorian pero ni isang beses hindi siya nagparactice.

Sabi ni Hael pupunta na daw ng New York si Gab dahil kailangan na siya ng company ng mom niya doon. So, hindi na siya aattend ng graduation? Pwede ba yun?

Ng gabing iyon, mineet ako ni tito Dennis na galing Paris. Tinanong niya kung ano na daw balita kay Denden at Gab. Pagkasabi ko ng lahat ng nangyari sa kanya ay bakas sa mukha niya na malungkot siya. Sinabi pa niya na dapat pala ay mas maaga silang ipinakilala sa isa't isa.

Akala kasi ng mga magulang nila ay okay naman na kahit hindi muna sila ipa-engaged sa isa't isa dahil nagkakamabutihan na ito.

Wala talagang ideya ang lahat na mapupunta sa ganito ang dalawa. Miski si Denden hindi alam kung bakit tila naging #AwkwardEdition ang istorya nila.

Araw araw nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ibang babae sa school na hanggang ngayon ay bitter pa din sa kanila ni Gab.

"See? Sabi na pinagbigyan lang talaga siya ni Gab."

"Wala pa talaga sa isip ni Gab ang commitment."

"Well, it's her fault.. Lapit siya ng lapit kay Gabriel eh."

Pero mas nasasaktan siya sa ginagawang pamababalewala ni Gab sa kanya. Sa tuwing tina-try niya lapitan si Gab ay agad itong umiiwas, o di kaya'y pakikitunguhan siya nito ng sobrang lamig, na para bang di siya nito kilala, na wala silang naging magandang nakaraan. Ano ba talaga nangyayari Gab? Ipa-intindi mo naman samin... Kahit kay Dennise lang.

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng mangyari iyon, hindi talaga namin siya matawagan ng araw na iyon. 12 midnight tumawag sakin si Yella, sabi niya ay nagaalala na daw mama nila dahil hindi pa din umuuwi si Gab. Di ko naman magawang sabihin na hanapin namin sa mga posibleng puntahan niya dahil bawal sakin ang mapagod at mapuyat. Kaya naman sinabi ko nalang ang mga favorite hang outs ng team namin.

After about two hours ay tumawag ulit siya para sabihing nahanap na nila si Gab sa isang bar na madalas naming puntahan kapag victory party, sa may Makati City. Lasing daw ito at patuloy na sinasabing "Ren... Bakit?"

Kinaumagahan pa ng araw na iyon ay pinuntahan ng mom nila si Denden para itanong kung nagtalo ba sila, may matindi ba silang pinagawayan o ano. Pero sabi naman ni Denden ay wala. Alam ko namang wala talaga, pero may kutob talaga ako na tungkol ito sa kanya.

Simula iyon ng gabi gabi niyang pag iyak, dahil sa gabi gabing pagbalita samin ni Yella na lagi daw umuuwing lasing si Gab na kung minsan ay may maghahatid pa sa kanyang mga lalake. Ano na nangyayari sa 'Mr. Nasayo-Na-Ang-Lahat' ng school? Yung lalakeng nagustuhan ng bestfriend ko? Na inapbruhan ko dahil okay naman?

Minsan na din akong naiiyak tuwing nakakausap si Yella dahil sa pinagdadaanan ng bestfriend ko. Okay lang kung masasayang lahat ng ginawa ko para maging happy ending ang story nila. Dahil tao lang naman ako, wala akong laban kay manong tadhana.

Pero etong nakikita ko si Denden na umiiyak, aba hindi pwedeng wala akong gawin. Nasasaktan ako! Ang sarap din saktang ng kumag na yon!

Matapos kong magpakabroken hearted at mag-emote mag-move on kahit di naman naging kami ni Denden. Ayun siya, sinayang lahat. G@gshow 'to!

Ayoko ng ganito... Ayoko talagang nakikita siyang umiiyak, nasasaktan. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil ako talaga ang puno't dulo ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

Lagi namin nakakausap si Hael galing New York. Ang sabi niya ay mabilis na sumikat si Gab doon sa larangan ng pagmomodel at pageendorse. Naisalba na nito ang company ng mama niya. Nalaman kasi ng lolo't lola niya na sa anak ni tito Dennise ito nagkakagusto kaya ginawa nila ang lahat para gipitin ang mga kumpanya nila.

Minsan pang nasabi ni Hael at Yella na siguro isa iyon sa dahilan kung bakit lumayo si Gab sa kanya noon.

Masakit para kay Denden. Isang taon na ang lumipas pero mas lalong tumitindi ang sakit sa puso niya. Alam ko yun dahil hindi tulad noon na kahit papaano ay nakakangiti pa siya, ngayon ay ibang iba na. Natatakot na nga ako na baka isang araw magtangka itong magsuicide- Wag naman sana!- kaya naman lagi din akong nasa kanila para kahit papaano ay icomfory siya. Ito lang ang kaya kong gawin. Wala na din kasi akong contact kay Gab, di ko na alam kung paano sila paglalapiting muli katulad ng ginawa ko ONE YEAR AGO. Umaasa na lang talaga ako sa tadhana ngayon. Katulad ng sakit ko na sabi ng doktor ay lumalala, kahit nga di pa sinusuggest nito na kailangan na ng heart transplant ay naghahanap na si mama ng donor na match sa akin.

Oo nakakadepress yun na 80% ay pwede na kong mamatay, isang maling kilos lang anytime. Pero mas nakakadepress ang makita ang babaeng minsan kong iningatan para di masaktan ay ngayong laging umiiyak kahit di niya pinapakita.

PERO ISANG ARAW. Bago magsimula ang second year namin sa college, bumalik siya.... Si GABRIEL ESGUERRA.

Nag-enroll para sa first year college niya pero hindi sa school namin ni Denden.

Ganoon pa din siya, walang pinagbago. Ay mali! Mas naging cold siya. Kasabay niyang bumalik si Hael dito sa Pilipinas. Nang sinundo namin siya na hindi namin alam na kasama pala si Gab ay halatang halata kay Denden ang pagkagulat, at the same time pagkamiss nito kay Gab... Na gustong gusto na niya itong yakapin ng oras na iyon pero di niya magawa dahil malinaw na sa kanya na matagal na siya nitong iniwan.

Promise! Nung oras na yun gustong gusto ko nang sapakin si Esguerra! Kaya lang ay inalala ko din si Denden, baka din magalit siya sakin kaya hindi.

Pumasok na ang June, pasukan nanaman. Iba ito di tulad ng unang school year. Naging sikat ulit ako sa school tulad ng highschool kami, pero hindi dahil sa basketball... Kundi dahil sa pagpa-paint. Naging university artist ako.

Dumami ang humanga sakin, di sa pagmamayabang. Karamihan ay babae, idagdag pa ang iba na schoolmate ko dati.

Di ko alam na mauulit yung dati. Dati na nangyari kay Denden at Gab. Na madaming nagalit kay Denden dahil malapit siya kay Gab.

Ngayon naman ay sa amin ito nangyari. I bet mga babae ito na ngayong college nalang kami nakilala at hindi alam na bestfriends kami. Aish! :3

Naawa ako kay Denden that time dahil binabatikos siya ng karamihan. Pero kung titingnan siya ay parang wala na siyang pakialam, iisa nalang ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko nga masabing ekspresyon yon eh, blanko.

Namimiss ko na ang dating Denden, na masiyahin. Na kahit ang simple niya lang ay kaya niyang magbigay ng napakagandang ngiti. Na kayang makibagay sa lahat ng tao. Namimiss ko na yung iba't ibang epic pero masaya tingnan na expressions niya.

Alam ko malapit na dumating yun. Dahil dumating na at malapit na ulit sa kanya ang solusyon. Pero kailan pa? Gusto ko na ulit yun makita bago man lang ako mawala.

TO BE CONTINUED...

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon