#11 Untold Feelings

572 12 3
                                    

3rd person's--

Nasasaktan si Lauren... Ayaw niya sa mga nangyayare. Sobrang namiss niya ang bestfriend pero parang wala lang ito kay Kirby.

Si Kirby din naman ay nasaktan at nasasaktan pa din sa mga nakita niya kanina... Hanggang ngayon. Pero pinili niya ito, hindi niya kayang ipaglaban si Lauren, hindi niya kayang magtapat sa bestfriend, hindi niya kayang isugal yung matagal na panahon ng pagkakaibigan nila, takot siya sa magiging reaksyon ni Lauren, takot siya na baka masayang lang ang pinagsamahan nila, takot din siya na masaktan si Lauren ng dahil sa kanya, takot siyang kung sakaling higit pa sa pagkakaibigan ang mamagitan sa kanila ay maaari din itong matapos, ayaw niya ng break up pag dating kay Lauren.

Idagdag pa na alam niya kung sino talaga gusto ng bestfriend. Sapat na yun na rason para hindi ipagtapat sa kaibigan ang nararamdaman, wala din namang mangyayari.

"Una na kami." Sabi ni Gab sa dalawa sabay hawak sa wrist ni Lauren at lakad.

Si Lauren naman ay walang kibo, sobrang napapa-isip talaga siya sa mga inaakto ni Kirby.

"Go on." Biglang sabi ni Gab. Bumalik naman sa senses niya si Lauren at takang takang lumingon sa katabi.

"What?"

"You can cry now. He won't hear you."

"Hindi naman ako naiiyak. :)"

"Uh huh? Ikaw din, baka ma-utot ka."

"Ha? Haha. Ganun ba yon?"

"Yup. My mom told me that, diba mom knows what's right for her child? Haha."

"Nyee.. Hahaha! Corny mo Gab!"

"At least, you laughed."

Tumatawa pa din si Lauren, sobrang naaappreciate niya ang presence ni Gab. Idagdag pa rito na sobrang trying hard ang binata sa mga jokes niya, at syempre di pa din maaalis na crush niya ito at kinikilig siya. Ngunit naalala naman niya si Kirby, kaya mukha siyang tanga na tumatawa habang umiiyak.

"You're crazy Ren."

"Hahah.. *hik* Why? Because I'm laughing while crying. *hik* It's just a tears of joy. Hahaha."

"Nah.. It's because you don't know what you really feel."

"Huh? Kasi di ko alam kung tatawa ba ako o iiyak muna? Hahaha."

"You like him, right?"

"Sino?"

"Si Kirby. You like him, it's obvious. You're really not a lesbian. You're just doin' that because I don't know.. Maybe it's your way para mas mapalapit kay Kirby or you're hurt that you just chose to be like that. But whatever it is, you're still a lady in heart. Kaya ba nag-aaral ka ng basketball? Kasi yun yung hilig niya? Kaya ba lagi kang nasa competitions namin para ipakita sa kanya how much you support him? And even in practices? That's how much you like him... Or... You love him? You know what Ren, it's possible. For how many years of your friendship? It's a damn joke if no one in the two of you fell in love in each other. Tell me-- the truth. Tama na yung nagsinungaling kang tomboy ka. Please? Hanggang dun nalang, right now just tell me the truth." Para alam ko kung hanggang saan nalang din ako. Kung itutuloy ko pa ba 'to? Kung anong dapat gawin.

"Ahhh. Before, back when we're in 6th grade, malapit na matapos yung school year. First time yun na nagka-crush ako. And it's him, my bestfriend, si Kirby. That time, my mom and dad were about to seperate. He's always there for me, lighten me up, putting away my problem. Ewan ko kung paano niya nagagawa yun. Haha. When I don't want to eat, hindi siya tumitigil na kulitin ako hanggang sa kumain ako. Tapos umalis sila ng mom niya nun, 2 weeks ko siyang di nakita. Nalungkot talaga ko ng sobra, akala ko di na siya babalik. Hindi ko alam kung ano tawag dun sa sakit na yun. Yung laging nahihimatay pag nasasaktan ng sobra? Whether it's physical, mental or even emtional. May ganun si Kirby. At dahil mayaman at iisang anak lang siya, sobrang worried yung mom niya kaya pumunta sila ng Amerika nung time na yun. Umiyak ako nung nalaman ko yun, akala ko din ko na talaga siya makikita. Kaya sobrang saya nung bumalik siya, I missed him that much. Naging crush ko pa siya lalo kasi kahit na may ganung problema siya, he managed to make me feel happy whenever I'm with him. Pero nawala din yung special feelings ko for him."

HE CALLED ME WHAT?!! [COMPLETED] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon