Chapter 4: "He Has Something"

14.2K 238 3
                                    

Gabbie’s POV

Kinaumagahan..

“Ate Gab, bumangon ka na jan. May bisita ka, bilisan mo at bumaba ka na.” Sabi ni Dustin habang kumakatok sa kwarto ko.

“Sige bhebe, anjan na ko.”

Pagbaba ko naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang kakwentuhan si mama. Mukhang seryoso sila sa pinag’uusapan nila ah. Hmm’ Napatigil lang sila ng lumapit na ko.

“Good morning babe, aga mo naman nandito? Sunday ngayon, off ko di ba.” Bati ko sa babe ko ^.^

“Uhm.. A-ano kasi babe, sorry sa kagabi kung di na ko nakapunta. Ano kasi may inasikaso ako.” Nauutal niyang paliwanag.Parang may iba sakanya ngayon, hmm.

“Ayos lang babe, atleast nagpunta ka ngayon dito. Kumain ka na ba? Simba ba tayo?”

“Sige babe, gayak ka na.” emman.

“Sige wait lang ah.” Ako sabay akyat para gumayak.

After 45mins. I’m ready to go, dress lang na hanggang tuhod at doll shoes suot ko. Hinayaan ko lang na nakalugay buhok ko, at naglagay lang ako ng light na make-up. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, simplicity is beauty. Haha !

Pagbaba ko naabutan ko siyang hawak ang phone at mukhang may katext.

“Babe, let’s go” sabi ko sakanya. Mukhang nagulat pa at biglang tinago phone niya.

“Tara babe.”

“Ma, Pa alis na po kami. Nasan si kuya at Dustin.” Paalam ko kila mama.

“Nandun sa kwarto ng kuya mo naglalaro. Sige, ingat kayo.” Sagot  ni mama.

Tahimik lang ang naging byahe namin. Parang may iba talaga sakanya, Hmm. Ng makarating na kami dito sa Greenbelt, nagstart na ang mass. Kaya dito lang kami sa labas, nakatayo at magkahawak ng kamay.

After ng mass pumunta kaming Glorietta since malapit lang sa Greenbelt. Kumain kami sa Korean Restaurant, tapos nag Time Zone kami bago umuwi. Para na din kaming nagdate, ang saya ko. ^___^ Kaya lang para talagang may something sakanya ngayon, kasi naman madalas niyang hawak phone niya, minsan naglalaro ako mag’isa siya parang may katext. Hmm, di bale baka kasamahan niya lang yun sa trabaho.

Hinatid niya na ko pauwi. Gabi na rin kasi, baka mapagalitan na ko kahit na matanda naman na ko para pagalitan. Hindi naman sa wala silang tiwala, ayaw lang talaga na ginagabi ako sa galaan kahit kasama boyfriend ko.

“Babe, salamat sa paghatid nag’enjoy ako ngayong araw.Ingat ka pauwi ah. Iloveyou” sabay kiniss ko siya sa cheeks at bumaba na ko sa kotse niya. Mabilis na umalis na din siya.  Nakita kong nakatayo sa gate si kuya, mukhang hinhintay kami.

“Gabi na Gab, ni hindi manlang bumaba boyfriend mo para pagbuksan ka ng pinto at ihatid sa loob, mukhang madaling madali pang umalis” Salubong ni kuya sakin. Kainis talaga to, lahat na lang napapansin.

“Eh kuya baka kasi may kailangan pa siyang gawing importante.” Sagot ko na lang.

“Hay nako ewan ko. Umakyat ka na at matulog ka na, may pasok pa bukas. Alam ko namang kumain ka na.” sabi niya bago umakyat.

“Sige kuya, goodnight.”

“Goodnight Gab.” Hinalikan muna niya ko sa ulo ko bago umakyat.

Nakahiga na ko ngayon habang nakatingin sa kisame, di pa kasi ako makatulog. 12am na, Hayy ! Naalala ko bigla yun panaginip ko, ewan ko pero parang kinabahan ako bigla. Iniisip ko din kasi yun kilos ni Emman kanina, para talagang may iba. Yun pakiramdam na parang may tinatago siya. Hays, napaparanoid lang siguro ko. Makatulog na nga, maaga pa pala ko bukas.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon