Gabbie’s POV
Nandito pa rin ako sa labas ng bahay namin. Gaaad! 22 yrs old na ko pero para kong bata dito na natatakot umuwi ng bahay dahil baka mapalo ako ni Papa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanila, hindi ko alam kung pano kong uumpisahang ipaliwanag ang nangyari.
“Huy Ate!”
“Ay palaka! Ano ba Dustin bakit ka ba nanggugulat jan? Saka bakit ang aga mo? Nagcut ka ng class?” Nagulat ako sa kapatid ko ng biglang sumulpot sa tabi ko, naka’uniform pa siya baka galling ng school.
“Hindi ako nag cutting no. College na ko, hindi na pwede yun.” – Dustin.
“Hindi na pwede. So, ibig sabihin dati pwede kasi high school ka pa lang at ginagawa mo yun?”
“E-eh, haha. Ano bang ginagawa mo dito sa labas? Saka wala ka bang trabaho?” – Dustin. Aba’t ang lakas makaiba ng usapan ah.
“Aahh! Aray! Ate naman, hindi na ko bata para kurutin pa sa pisngi.” – si Dustin habang hinihilot yung pisngi niya na kinurot ko lang naman ^____^
“Ang lakas mo kasing ibahin ang usapan. Tara na nga sa loob, may sasabihin ako sainyo nila Mama. *sigh*”
Sabay na kaming pumasok ng bahay ni Dustin. Hay! Kinakabahan ako talaga. Pano ba to?
“Oh anak, bakit nandito na kayo? Dustin an gaga mo, wala ka na bang pasok? Ikaw Gabbie, wala ka bang trabaho bakit umuwi ka? Nakapagpacheck up ka na ba? – Salubong sakin ni Mama, naabutan kasi namin silang nakaupo sa sofa ni Papa habang nanunuod.
“Eh ma, wala na po akong klase. Etong si Ate, naabutan ko dito sa labas ng bahay nakatulala. Yan tanungin niyo, mukhang may problema siya. May sasabihin daw siya satin eh. Bihis lang po ako.” – si Dustin, pagkatapos ay umakyat na siya sa kwarto niya para magbihis.
“Oh Gabbie, ano yung sasabihin mo? Nakapagpacheck up ka na ba? Ano sabi ng doctor? – Papa.
“*sigh* Papa, Mama. May sasabihin po ako, sana po wag kayong mabibigla at wag kayong magagalit..” Umupo ako sa harap nila habang nakayuko. Feeling ko kasi any time babagsak na yung luha ko sa mata.
“Ano ba yun anak? Bakit naman kami mabibigla at magagalit?” – Mama.
“M-mama, P-papa. Buntis po ako…” kasabay ng pagkakasabi ko sakanila ang pagbagsak ng luha ko. Nakayuko pa rin ako dahil ayokong makita reaction nila. Hindi sila umiimik, lalo tuloy akong kinakabahan at naiiyak.
“WHAT?” Mama/Papa/Dustin. Nakababa na pala siya at nakatayo na siya dito sa tabi ko.
“Ate buntis ka? Pero di ba hiwalay na kayo ni kuya Emman?” – Dustin.
“Buntis ka Gabbie? Paanong nangyari yun? Nagkabalikan nanaman ba kayo nung lalaking yun?” – Papa. Nakakatakot yung boses niya, may halong galit kasing kasama. Si mama nakatahimik lang sa isang tabi, mas lalo tuloy akong naiiyak. Mas nakakatakot kasi siya pag ganyan eh, tahimik siya di ka kakausapin pero galit at masama ang loob.
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?