Gabbie’s POV
Isang linggo na ang nakalipas mula ng magkita kami ni Emman. Kinuwento ko rin kila Trina yung nangyari at yung mga sinabi ni Emman sakin, ayun galit na galit din sila lalo sila Alex at Trina. Gusto nga din sana nilang sugurin eh, eh hindi na namin alam kung saan pa matatagpuan yung lalaking yun. Atsaka ayoko na din talaga siyang makita, baka makasama pa kay baby.
Wala naman masyadong nangyari sa isang linggo ko, mas nahihilig lang ako sa carbonara na may hot sauce at mangga may maanghang na bagong. I wonder kung anong maging itsura ng baby ko paglabas, mahilig ako sa maanghang eh.
Next week pala birthday ni Trina, August 17 eh August 9 pa lang ngayon. Nag’aya siya mag’outing treat daw nila ng boyfriend niya yung entrance and foods, pero yung papunta sa place kanya kanyang punta daw. Hindi pa rin naman kasi siya nakapagdecide kung saan talaga yung venue na pupuntahan namin.
“Ano na Trina, saan tayo sa birthday mo? – Alex.
“Hindi ko pa nga alam, magsesearch muna kami ni Yats ng magandang puntahan basta yung mejo malapit lang para overnight tayo.” – Trina.
“Hi guys! Anong meron? Uyy Cara, nextweek na pala birthday mo ah. Anong balak?” si Nyx, lagi na lang yang nandtio sa office namin. Hindi na yata namalagi sa kompanya nila. Atsaka siya lang yung tumatawag na Cara kay Trina, ano kayang meron sakanilang dalawa? Nacucuroius talaga ko pero hindi ko naman matanong si Trina kasi walang pagkakataon.
“Oo nga, balak naming mag’outing sa birthday ko. Kaya lang di pa namin alam kung san kami pupunta. Sama ka Vince ah.” – si Trina, ayan pa at si Trina lang ang tumatawag na Vince jan kay Nyx. Hmmm’ matanong nga si Trina minsan.
“Oo ba. Kung ayos lang sa boyfriend mo at sa mga kaibigan mo eh.” – Nyx.
“Oo naman, di ba Yats?!” – si Trina at siniko si Cyril, mukhang walang samud si Cy ah.
“Okay lang ba sainyo Sis, sama natin siya?” – Trina.
“Oo naman, ayos lang.”
“Oh ayun naman pala eh, place na lang talaga ang kulang satin.” – Trina.
“Hmmm’ eh kung sa Matabungkay Beach na lang kaya sa Batangas, sis? Dun kami nagbabakasyon dati nila mama eh.” sugeestion ko kay Trina.
“Hmmm’ may kamag anak ba kayo dun?” – Cyril.
“Oo, Cy meron. Para makakuha na rin tayo ng discount sa cottage na kukunin natin. Tayo tayo lang naman di ba? De bale 3 cottage lang ang kailangan natin. isa para sakin, isa para sainyo Cy and Trina at para sa dalawang boys.”
“Pwede. Yats, dun na lang tayo. Para mas makapag’enjoy tayo, overnight tayo huh.” – Cyril.
“Pwede nga. Oh sige, dun na lang tayo. Sis, paki’inform mo na lang na pupunta tayo dun at magrerent tayo ng cottage pang’overnight.” – Trina.
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?