Chapter 5: "Cyril's Thought"

14.3K 228 2
                                    

I’m Cyril Fernandez, boyfriend ako ni Trina Cara Madrigal. Kaibigan namin sila Gabbie Benitez at Alexander Marquez. Magkakasamahan kami sa trabaho pero kaming apat lang talaga ang pinakaclose. Halos sabay sabay lang din kami napasok sa trabaho, siguro mas nauna lang kaming dalawa ni Trina kila Alex at Gabbie ng isang bwan.

Hindi ako mapakali, di ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Gabbie yung nakita ko kahapon. Naalala ko ang nangyari…

*Flashback*

 

“Guys, yosi muna ko sa labas mauna na kayo sa office. Yats tara samahan mo muna ko.” Paalam ko sa kanila sabay hila sa girlfriend ko. Ganito kasi talag ko kapag nabubusog, nagyoyosi. Hindi nagyoyosi girlfriend ko, hindi ko siya papayagan. Pero sakanya ayos lang na nagyoyosi ako, minsan lang naman eh.

 

Mahigit isang taon na nga pala kaming couple ni Trina, actually nung 3rd year college ko pa siya nililigawan eh 1st college kami nagkakilala nagging magblockmate kami tapos hanggang sa nadevelop ako sakanya kaya ayun niligawan ko siya. Kaya lang nung time pala na

yun sariwa pa sakanya yung past relationship niya kaya naghintay muna ko at nung 3rd year nga kami ako nag umpisa manligaw sakanya. Pero worth the wait naman kasi before graduation sinagot niya na ako, sobrang saya ko nung araw na yun dahil sa wakas kami na din ng pinakamamahal ko.

 

“Yats, hindi ba ko talaga pwedeng tumikim niyan. Busog na busog din ako eh, isa lang na po eh *puppy eyes*.” Sabi ng girlfriend ko. Asa naman siyang payagan ko siya, kahit kahinaan ko tong paglalambing niya.

 

“No. Wag ka ng makulit Yats. Dahil hinding hindi ako papayag na tumikim ka ng yosi.”

 

“Pero bakit ikaw, ayaw mong tumigil.” Sabi niya na nakapout. Aww, natetempt akong halikan siya.

 

“Yats naman, minsan lang naman di ba. Alam mo naman na kapag lang kailangan.”

 

“Hays. Okay fine. Restroom lang ako Yats, hintayin mo ko jan.” paalam niya sakin sabay alis.

 

Kulit talaga ng babaeng yun. Naku, pero mahal na mahal ko yun. Ayoko lang talaga siyang magyosi, basta hindi pwede. Ayokong masira tiwala ng parents niya sakin. Oo, legal kami umpisa pa lang pinakilala ko na siya sa parents ko, pero siya nung 5months namin niya lang ako pinakilala sa kanila. Mukhang ayos naman sakanila, mabait naman sila sakin at tiwala naman daw sila.

 

Paubos na yosi ko, napalingon ako sa resto sa tapat. Teka, parang kilala ko yung lalaking yun ah. Parang si Emman yun, boyfriend ni Gabbie,bakit may kasama siyang babae. I’m sure na hindi di Gabbie yun dahil slim yun babaeng kasama niya, mejo chubby kasi si Gabbie.

 

O__O Ah shit! Si emman nga, hinalikan siya nung babae pero hindi siya tumanggi natuwa pa siya. WTF ! Niloloko niya lang baa ng kaibigan namin. Shit! Nakita kong nakalabas na ng restroom girlfriend ko at tinatawag na ko.

 

“Yats, kanina pa kita tinatawag may trabaho pa tayo.” Sabi niya sakin ng makalapit ako. Hinila ko na siya papasok, hindi niya pwedeng Makita yung nakita ko. Hindi kasi siya boto s boyfriend ni Gabbie, mukha daw hindi magseseryoso.

 

“Ano kasi yats may nakita lang akong kakilala ko sa tapat.” Sagot ko ng makarating kami sa ofifice namin.

 

“Ah. Sige yats punta na ko sa pwesto ko. Ikaw din.” Hinalikan muna niya ko bago siya bumalik sa pwesto niya. Sweet no ^.^

 

Gabi na, mag’out na kami. Sabay kami ni Yats umuwi dahil hinahatid ko siya sa kanila. Kasabay din namin si Alex, at minsan kapag walang sundo kasabay din namin si Gabbie. Magkakalapit lang kasi subdivision na inuuwian namin.

 

“Gabbie, tara uwi na tayo.” Aya ni Yats kay Gabbie.

 

“Eyy, sunduin ako ng babe ko. Nexttime na lang guys.” Gabbie.

 

“Naku. Baka naman di ka nanaman siputin niyan tulad kagabi, naghintay ka na nga umuwi ka pang mag’isa. Tsk !” sabat ni Alex.

 

“Oo nga Gabbie. Sumabay ka na samin, di ka masusundo nun. Parang nakita ko siya kanina sa resto may ibang kasama.” Sabi ko sakanya, may sinabi pa ko, pero pabulong lang.

 

“Ano yun Cy ? Parang may sinabi ka pang iba ?.” Tanong niya sakin

 

“H-huh? Wala yun. Ano di k aba talaga sasabay, una na kami. Bye ! Ingat ka. Tara na Yats, Alex.” Ilang na sagot ko sakanya. Shit! Di ako mapakali kaya inaya ko na agad sila Yats at Alex paalis.

 

“Sige Gabbie una na kami. Bye !” Sabay na sabi ni Alex at Trina.

 

*flashback ends”

 

Hays, di ko pa nasasabi sa girlfriend ko. For sure, sasabihin agad agad nun kay Gabbie. Baka nga sugurin niya pa si Emman. Pero ano gagawin ko, kapag nababanggit sa usapan si Emman hindi ako mapakali. Dapat lang naman malaman ni Gabbie yun di ba, pero tama bang sakin manggaling. Hays. I’m confused -___-

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanggang dito na lang muna i'update ko. Try ko ulit later.

Thank you po sa nagbasa at magbabasa kung meron man:)

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon