Chapter 40: "His Feelings"

8.3K 158 3
                                    

Nyx’ POV

 

Matagal tagal na din kaming magkakilala ni Gab. From the start na magkakilala kami, parang may kung anong nararamdaman na ko para sakanya. And as day passes by, mas lalo ko siyang nakikilala mas lalong napapalapit ako sakanya parang mas lalo ko siyang nagugustuhan. Yes, I admit crush ko na siya, no gusto ko na siya because she has something I admired of.

Paano ko bang malalaman ang totoong nararamdaman ko. Hay!

Bzzzt… Bzzzt…

Teka, may nagdoorbell. Sino naman kaya? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Di kaya si Gab? ^__^ Pumunta ako sa pinto at binuksan. Psh -__-, si Renz lang pala..

“Oh, parang nadismaya kang ako nakita mo Nyx? May inaasahan ka ba?” – salubong sakin ni Renz.

“Wala naman. Bakit naluwas ka pare?”

“Eh gusto ko lang dalawin ang pinakamamahal kong kaibigan. Aba, matuwa ka dapat Nyx.” – Renz.

“Psh. Di ko man alam tunay mong dahilan, sige upo ka na feel at home.”

“Haha! Ganyan ka ba? Di mo manlang ako namiss?” – sabi ni Renz habang nakaupo at sa couch at nakataas pa ang paa sa table.

“Hindi pare. Asa ka!”

“Siya nga pala pare, nakasalubong ko minsan si Tita. Namimiss ka na yata, haha! Tinatanong nga ako kung nagkabalikan na kayo ni Trina eh. ” – Renz. Si mama talaga. Tsss!

“Oh, ano namang sinabi mo?”

“Eh, hindi kako dahil may bago ka na. Haha! Parang di nagustuhan sinabi ko, sinimangutan ako at tinalikuran. Psh.” – Renz.

“Tsk tsk! Umaasa pa rin pala si Mama. Sinabi ko ng wala ng pag’asa yung samin ni Cara eh.”

“Boto talaga sila kay Trina no. Btw, nagkita na ba kayo ni Ms.Stranger?” – Renz.

“Speaking of Ms.Stranger, pare. Nakita ko yung signature niya sa mga empleyado ng Hyacinth. I think, malapit ko na siyang makilala. Pero hindi na yun ang iniisip ko eh.” tumayo ako at pumunta sa kitchen para kumuha ng beer. Bumalik ulit ako sa sala at umupo sa tapat ni Renz.

“Whoa. Aba’y kilalanin mo na. Ano naman yun, pare? Babae ba? Akala ko ba si Ms.Stranger na?” – abi ni Renz sabay tungga sa beer in can na nasa table.

“May nakilala kasi akong babae pare, single mother siya. Nagtatrabaho sa Hyacinth.”

“Teka nga, single mother? Pare naman, balak mong tumayong tatay sa hindi mo kaano anong bata?” – si Renz. Tumungga muna ko sa beer at saka siya sinagot.

“Di pa ko sigurado sa nararamdaman ko, pare. Basta parang ang gaan ng loob ko sakanya tapos may iba kong nararamdaman, yun bang parang gusto ko siyang alagaan at yung magiging anak niya. Lagi siya nasa isip ko, alam mo ba pare. Nung magkasakit ako siya ang nag’alaga sakin, tapos nung nakaharap ko yung ex boyfriend niya ipinakilala ko yung sarili ko bilang asawa niya dun sa lalaki.”

“Whoa! Pare, you’re inlove with her. Tsk tsk! Yung ex boyfriend ba yung ama nung bata?” – Renz.

“Hindi daw, nakausap ko si Cara tungkol sakanya. May nakabuntis lang sakanya. Magkaibigan kasi sila ni Cara eh, kaya nga madalas nandun ako sa kompanya ng Hyacinth.”

“So confirmed. Inlove ka nga sakanya, yun ba ang pinoproblema mo pare? Baka naman matagal mo ng alam yung nararamdaman mo, ayaw mo lang aminin sa saili mo? Be a man pare, pero pag’isipan mo muna ding mabuti. May extra baggage yan, sigurado ka ba? Paano kung isang araw, bigla na lang may magclaim na totoong tatay  nung bata at gustong pakasalan yung babae.” – Renz.

“Gabrielle ang pangalan pare.” Sabi ko sakanya, napaisip naman ako sa sinabi ni Renz. May point siya. Hmmm’ tinungga ko na ulit yung beer in can saka sumandal sa couch.

“Kung gusto mo talaga yung Gabrielle na yan, siguruhin mo munang handa kang harapin ang mga magiging consequences. Sa nakikita ko sayo habang nagkukwento ka ng tungkol sakanya mukhang mahal mo na siya ah. So, mukhang mapapalitan na talaga si Trina sa puso mo.” – sabi ni Renz.

“Siguro nga lumalalim na yung pagkagusto ko sakanya, pare.”

“Siguruhin mo sa sarili mo Nyx. G*go ka. Dito muna ko ng ilang araw ah, hayaan mo muna kong magliwaliw. Nakaka’stress trabaho sa Davao eh. At kailangan kong makilala yang Gabrielle na sinasabi mo.” – Renz. Nandito lang kami sa couch, nagkaukwentuhan habang umiinom. Nakakailang beer na din pala kami.

“Sige lang pare. Yan gamitin mong kwarto sa tabi ng kitchen.”

“Salamat pare, so anong balak mo ngayon?” – Renz.

“Ewan ko. Basta I need to clear things first. Siya nga pala, anong balita dun sa Davao? Baka naman napapabayaan niyo na yun ah.” – tumungga ako ulit ng beer pagkatapos.

“Wag mong alalahanin yun pare, mababalitaan mo naman kung magka’aberya man.”

“Good. Balita naman sayo?

“Aba’y gwapo pa rin at habulin ng mga chicks. Ano pa ba? Haha!” – sabi ni Renz sabay tawa.

“Push mo pa pare. Tsk tsk!”

“Haha! Sa kwarto na muna ko pre at may jetlag ako. Tapos pinainom mo pa ko ng beer g*go ka. Haha! Ge pre.” – sabi ni Renz sabay tayo, tinanguan ko lang siya bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Naiwan akong mag’isa dito sa couch. Naka’upo lang ako at umiinom habang nag’iisip. Siguro nga gusto ko si Gab. No! Maybe I’m inlove with her. Pero paano nga kaya kung biglang dumating yung totoong tatay ng baby niya sa buhay nila? Atsaka hindi ko alam kung magugustuhan ba ko ni Gab. Siguro nga eto yung sagot sa mga tanong ni Cara sakin, hindi lang basta pagkakaibigan ang nararamdaman ko sakanya.

Naalala ko nung lumabas kaming dalawa ni Gab, nung nagsimba kami. Ang sarap sa pakiramdam nung oras nay un. Para kasi kaming nagdedate, at nung aksidenteng nahalikan ko siya.. I don’t know, but it feels so good. Atsaka parang familiar yung naramdaman ko nung naglapat yung labi namin.

I need time to think things, bago ko aminin sakanya nararamdaman ko o bago ko aminin sa sarili ko. Kailangan isipin ko muna ang mga pwedeng mangyari. Basta ang alam ko, I have this special feelings for her..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Happy 2K reads ^___^

Thank you po. ^_^

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon